Mother Lily, not invited to Judai-Ryan wedding

HINDI NGA NAGKAMALI ang hula kong Abril ang kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Tumama pa ito sa 13th wedding anniversary nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta kaya pagkatapos ng kasal, nagmadaling umalis na ang mag-asawa dahil ise-celebrate naman nila ang anniversary nila. Pero si KC Concepcion, nagpaiwan hanggang sa reception kinahapunan, dahil nag-host pa siya sa munting programa para sa bagong kasal.

Paboritong bakasyunan pala nila ang Anilao kaya doon sila nagpakasal.

Kuwento nga ng ibang kakilala kong imbitado sa reception, sobrang higpit pa rin daw ang security. Kapag wala ka sa listahan, hindi ka talaga makapasok at iiwan ang cellphone, camera at videocam.

Natutuwa naman ako at natupad ang pinapangarap na dream wedding ni Judai.

May mga ilang malalapit na tao kay Juday na nagtatampo dahil hindi sila imbitado. Isa na nga rito si Mother Lily Monteverde na hindi pala naimbitahan sa kasal na iyon. Kaya emote si Mother, dahil itinuring naman daw niyang anak-anakan niya si Judy Ann.

Pero tingin ko naman, imbitado si Mother sa isa pang handaan sa Sabado na gaganapin sa Le Soufle sa Rockwell. Open na raw ito sa media at doon magpapa-interview ang bagong kasal. Pero ang mga imbitado lang din ang makapapasok sa handaang iyon.

Sa Mayo, babalik na sa trabaho sina Judai at Ryan, pero magha-honeymoon naman sila. Balak nga nila sa Mexico sila mag-honeymoon pero dahil sa swine flu, ipagpapaliban daw muna nila ito.

Abangan n’yo sa Startalk ang exclusive interview namin kay Mommy Carol, ang mother of the bride, dahil ikukuwento nito ang lahat na nangyari sa kasalang iyon.

Siyempre isa si Mommy Carol sa pinakamaligaya nu’ng araw na ‘yun, dahil natupad na rin ni Judai ang matagal na niyang pangarap.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Mother Lily, not invited to Judai-Ryan wedding

  1. Galit na galit si Alfie Lorenzo. Hindi siya kasama sa entourage. This person started to do a litany of all the things that he did for Juday’s career at saka nanumbat na ingrata raw ang buong pamilya ni Juday (see Abante Tonite). Kasama na rin raw ang ama ni Juday na galing nang Los Angeles. Instead of getting my sympathy, I detested this moron. He did nothing but count all of the things that he supposedly did for Juday’s career and her family. What this Lorenzo guy is forgetting ,is that, he is the “PAID” manager and it is his job to look for a project for his ward. I also saw his live interview. That is the ugliest wig that I ever saw in my life. This man needs a psychologist. Medyo parang nasisiraan na nang bait. He needs to remind himself that Juday was his bread and butter. He got paid and he was able to maintain his lifestyle at nakapag babakasyon pa abroad. Give us a break Alfie Lorenzo. Tumatanda kang paurong.

  2. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #58

Leave a Reply

Your email address will not be published.