Mother Lily Monteverde, sa sobrang saya, namudmod ng P1.3-M sa kanyang kaaarawan

Mother Lily Monteverde

Mother Lily Monteverde

Sobrang saya, napaka-engrande, at umulan ng salapi sa selebrasyon ng 77th birthday ni Mother Lily Monteverde na ginanap last Friday, Aug 19, sa Valencia Events Place, Q.C. nang magbigay ito ng tumataginting na P1.3 million. Naging hosts sa nasabing event sina Jun Nardo at Don Don Sermino.
Sa sobrang saya at na-touch si Mother Lily nang bigyan siya ng plake ng pagkilala, nagbigay ito ng P1 million sa Mowelfund, habang tig-P100,000 naman ang tinanggap ng PMPC, EnPress ,at Speed.
Ilan sa celebrities na nakita namin sina Martin Del Rosario, mag-asawang Anabelle Rama at Eddie Guttierez, new batch of Regal Babies, Janella Salvador, Senator Grace Poe, MTRCB Chair Toto Villareal, MMA champion Brandon Vera, Senator Dick Gordon, Ali Sotto, Sam Milby, Ai Ai delas Alas, Billy Crawford, mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza, Direk Chito Roño, Direk Maryo J. Delos Reyes, Laarni Lozada, Derrick Monasterio, mag-asawang Donna Villa at Direk Carlo J. Caparas , Direk Enzo Williams, Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana, atbp.
Present din ang mga kamag-anakan at kaibigan ni Mother Lily sa loob at labas ng showbiz. Pasasalamat nga ang gustong ibalik ng Mother ng Showbiz sa mga taong nakisaya sa kanyang kaarawan.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.