Mother Lily Monteverde, nagbigay ng pondo sa Mowelfund at sa 3 entertainment press organizations sa kanyang kaarawan

Mother Lily & Father Remy Monteverde

Mother Lily & Father Remy Monteverde

Roselle Monteverde & Mother Lily Monteverde

Roselle Monteverde & Mother Lily Monteverde

Janella Salvador & Mother Lily Monteverde

Janella Salvador & Mother Lily Monteverde

Isang malaking selebrasyon ang naganap last night (Friday, Augst 19) sa showbiz, kung saan nagdaos ng kanyang ika-77 birthday ang “Mother of All Mothers” na si Mother Lily Monteverde na producer ng Regal Films.

Si Mother na super love ng mga taga-showbiz – mapa-artista man or film directors, o kaya’y entertainment writers – ay masaya sa kanyang kaarawaan at ibinahagi ang kanyang blessings that evening.

Yes, imbes na siya ang regaluhan (na halos lahat yata ng mga material na bagay ay meron na siya) sa kanyang birthday last night, siya ang nagbigay ng regalo sa mga taga-showbiz.

Ang Mowelfund na pinamumunuan ni Ms. Boots Anson-Roa ay binigyan niya ng ng P1 milyon para sa organization. Ang tatlong entertainment writers group tulad ng PMPC (Philippine Movie Press Club), EnPress (Entertainment Press Society), at Speed (Society of Philippine Entertainment Editors) ay niregaluhan niya nang tig-P100,000 para sa kanilang funds.

Celebrity studded ang birthday event ni Mother.

Siyempre present ang mister niyang si Father Remy, mga anak na sina Meme na naka-base na sa Dagupan, Pangasinan at doon namamahala sa negosyo ni Mother (long time no see for almost 20 years), si Roselle (na katuwang niya sa operations ng kanilang film outfit na Regal Films at si Dondon (ng Reality Entertainment, film producer ng “Honor Thy Father” na bida si John Lloyd Cruz).

At random na nakita naming dumating para bumati kay Mother Lily that evening sina Christopher de Leon, Tirso Cruz III kasama ang misis na si Lyn, Ai Ai delas Alas with boyfie, Kiray Celis, Annabelle Rama, Eddie Gutierrez, Direk Carlo J. Caparas (of the movie “Miracles Are Forever”), Tita Donna Villa, Popoy Caritativo, Lorna Tolentino with son Rap; Tape, Inc.’s Malou Fagar, Ali Sotto, Lance Raymundo, Martin del Rosario, ABS-CBN’s Linggit Tan, Billy Crawford, Kean Cipriano with wifey Chynna Ortaleza, people from GMA Network; film directors Maryo delos Reyes, Joey Javier Reyes, Manny Castaneda, Mel Chionglo, Jun Lana, Perci Intalan, and Elwood Perez, MTRCB Chairman Toto Villareal, Sen. Dick Gordon, at marami pang iba.

Aliw ang spot performances ng komedyanteng si Atak, ng singer na si Laarni Lozada, at ang stunning performance ng favourite concert pianist ni Mother Lily na si Raul Sunico na nagpaandar ng kanyang galing at talent.

Sayang at wala si Piolo Pascual, ang love ni Mother at nagsi-shooting ito ng “Once In A Lifetime” sa New Zealand.

At last night party, naikuwento ni Ms. Roselle sa amin na after the success of “That Thing Called Tanga Na”, ang next offering ng Regal Films ay ang rom-com movie nina Alex Gonzaga at Joseh Marco na “My Rebound Girl” at ang sexy film na “The Escort Girl na pinagbibidahan ni Lovi Poe with the support of Derek Ramsay at Christopher de Leon.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.