Mother-and-daughter tandem sa reality show, nanggugulang?!

IMAGINE WHAT LIFE is like on a distant island where basic comforts are lacking in fact, ano pa’t lantakan ang chocolate bars or any other food na mahigpit na ipinagbabawal dalhin?

Pero sadya yatang pasaway ang mother-and-daughter tandem na ito na kasali sa isang reality show. Sukat ba namanG kasing naipupuslit ng mag-inang ito ang baun-baon nilang tsokolate na nakaipit sa garter ng kanilang mga panty?

But if they thought it was one brilliant idea, mas ang dapat itawag du’n ay panlalamang sa mga kapwa nila kalahok in a series of challenges that required fair play.

Pruweba rin ng pagiging pasaway ng mag-inang ito ay ang pag-aklas ng mismong alyansang kinabibilangan nila, kakampi na ngang maituturing ay pinagwelgahan pa sila!

(Ronnie Carrasco III)

Previous articleWalang katapusang pangongotong!
Next articleHost-actress, nagmumukha nang bangkay dahil oversexed?!

No posts to display