Mosyon ni Enrile, Style Lang – Cayetano

HINDI NA nagulat si Senator Alan Peter Cayetano sa paghahain ng mosyon ni Sen. Juan Ponce Enrile para bakantehin ang senate presidency noong Lunes.

Sinabi ni Cayetano na madalas nang imungkahi ng Senate President sa kanilang caucus na bakantehin ang kanyang posisyon tuwing naiipit sa mga isyu.

Wala rin aniya sa agenda ang pagbibigay ng privilege speech ni Enrile kaya nang gawin ito ng pangulo ng Senadoay naisip na niyang bahagi lang ito ng “style” ni Enrile para malihis ang isyu ng umano’y pamumudmod ng cash gift.

Sinabi pa ni Cayetano na imbes na ilihis ang isyu ay mas mainam na magtalaga na lamang ng pribadong sektor na mag-o-audit sa gastusin ng mga mambabatas.

Naniniwala anyia siya sa Commission on Audit (COA) pero para mawala ang pagdududa rito lalo’t si Enrile rin ang nag-aapruba ng pondo nito, mas mabuting iba na lamang ang magsisiyasat sa pinagkakagastusan ng mga senador.

Binigyang-diin din ni Cayetano na sakaling mapatunayan ang sinasabi ni Enrile na galing sa kanyang opisina ang P250,000 na ipinamigay sa bawat senador ay maituturing na ilegal ito.

Hindi aniya sakop ng kapangyarihan ng Senate President ang diskresyon sa pondo at staff.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.