Mosyon ng Comelec VS CGMA Poll Fraud Case, Ibinasura

IBINASURA NG Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang motion for reconsideration (MR) ng Commission on Elections (Comelec) na kumukuwestiyon sa pagpayag ng korte na makapagpiyansa sa kasong electoral sabotage si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Pasay RTC Branch 112 Clerk of Court Felda Domingo na ikinatwiran ni Judge Jesus Mupas na walang bago sa argumento ng Comelec para bawiin nito ang naunang desisyon sa pagkakapiyansa ni Ginang Arroyo noong Hulyo 25.

Partikular dito ang akusasyon ng Comelec na may nangyaring conspiracy sa pagitan nina dating election supervisor Lintang Bedol at dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. na hindi napatunayan ng testigong si Norie Unas.

Samantala, inaasahan namang magpapalabas din ng desisyon ang korte sa mosyon ng Comelec prosecutor na ipagpaliban sa susunod na taon ang mga nakatakdang pagdinig sa kaso dahil sa dami ng trabaho ng komisyon para sa darating na eleksyon.  (PARAZZI RE-

PORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.