Most Wanted, Tiklo

 

MAKALIPAS ANG mahigit sa dalawang taon na pagtatago sa batas sa kasong panghahalay sa isang 16-anyos noong Nobyembre 23, 2010, nadakip na ang isang most wanted ng mga awtoridad kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rolando Santos kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si John Jefferson Santos Y Lacas, 21 anyos, binata, tricycle driver at residente ng Brgy. Sagrada Familia, Hagonoy,Bulacan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong ala-1:45 ng madaling-araw nang arestuhin ang suspek habang masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan sa naturang lugar.

Inaresto si Santos, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Branch-17 RTC Judge Ma.Teresa V Mendoza-Arcega sa kasong Rape.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Hagonoy Municipal Jail kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte laban sa kanya.   (TONY DELA PEÑA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.