Most Wanted sa Valenzuela, Tiklo

ISANG TINAGURIANG no. 1 most wanted criminal sa Valenzuela City ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at mga tauhan ng Valenzuela City Police sa isinagawang pagsalakay sa pinagtataguan nito sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Kaugnay nito, pinagkalooban ni Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian ng pabuya na nagkakaha-laga ng P500,000 ang mga umaresto sa no. 1 most wanted criminal sa nasabing lungsod na nakilalang si Danilo Aga Lusong, alyas “Leg-Leg” at alyas “Kiko”.

Pinarangalan din ng na-sabing alkalde ang mga ope-

ratiba ng NCRPO-Regional Police Intelligence and O-perations Team sa pangu-

nguna ni P/Supt. Ronal Lee at ng Valenzuela Police Investigation and Detective Operatives sa kanilang matiyagang pagsubaybay na nagresulta sa pagkakaaresto suspek na si Lusong.

Ayon kay P/Senior Supt. Wilben Mayor, Valenzuela Chief of Police, ang pagkakahuli kay Lusong ay sanhi ng pagbibigay ng impormasyon ng isang impormante kung saan nagtatago ang nasabing suspek

Sinabi pa ni Mayor, si Lusong ang itinuturong pumatay kay Ronald Marinas at malubhang pagkakasugat sa kaibigan nito na si Albert Marquez noong nakaraang Abril 22 sa kahabaan ng McArthur Highway, Marulas, Valenzuela.

Si Lusong din ang itinuturong pumatay kay Meycauyan Barangay Chairman Lauro Bartolo noong nakalipas na June 17 sa loob ng parking lot ng isang cockpit arena sa Malanday, Valenzuela City.

Ang nasabing akusado ay marami pang naka-pending na warrant of arrest sa Metropolitan Trial Court, Manila Branch 16 at sa Manila Regional Trial Court Branch 27 sa kasong Theft at Rape.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.