Most Wanted sa Samar, Nanlaban sa Pulisya, Patay

PATAY ANG isang most wanted person sa Samar matapos nitong manlaban sa mga kapulisan sa isang barangay sa Calbayog City.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, ang salarin na kinilalang si Ambrocio dela Cruz ay matagal nang pinaghahanap ng mga kinauukulan dahil sa kasong Murder noong 2010.

Binawian ng buhay si Dela Cruz matapos manlaban nang ito ay aarestuhin na ng pinag-isang puwersa ng Special Operations Task Group (SOGT-Samar), 8th Regional Public Safety Battalion, (8th RPSB), Samar Public Safety Company, Calbayog City Station at Matuguinao Municipal Police Station sa Barangay Cagmanipis Norte, Tinambacan District sa nasabing siyudad.

Samantala, kaagad namang dinala ang naturang suspek sa Calbayog City District Hospital pero idineklara itong dead on arrival ng doktor.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.