Most Wanted sa Rape, Timbog

MAKALIPAS ANG mag-iisang taon na pagtatago sa batas ng isang lalaki sa tatlong kaso ng panghahalay, nadakip na ito ng mga awtoridad sa Brgy. San Agustin, Malolos City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Dave Poklay sa Camp Gen.Alejo Santos, kinilala ang nadakip na suspek na si Ramon Sunga Y Calalang, 29 anyos,alyas Mon-mon, tricycle driver, at residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-5:00 ng madaling-araw nang madakip ang suspek sa kanyang tahanan.

Inaresto si Sunga, sa bisa ang  warrant of arrest na ipinalabas ni Branch-77 RTC Judge Rolando Bulan sa tatlong kaso ng Rape, na naganap noong Abril 26, 2012 sa nabanggit na barangay.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Malolos City Jail.

(TONY DELA PEÑA) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.