Most Wanted sa Rape, Tiklo sa CamSur

NAHULOG NA sa kamay ng mga kinauukulan ang isa sa mga most wanted sa Libmanan, Camarines Sur.

Ito’y matapos mahuli sa bisa ng warrant of arrest ang salarin na si Fernando Pulla, 50, ng Barangay Malinao.

Walong taon ding nagtago ang suspek sa pulisya dahil sa kasong rape at ika-siyam sa mga most wanted sa nasabing lalawigan.

Nabatid na Hunyo 2004 pa nang gawin ng salarin ang krimen kung saan biktima ang kanila ring kabarangay.

Samantrala, nananatili sa piitan si Pulla at walang inirerkomendang piyansa para sa pansamantala nitong paglaya.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.