Most Wanted sa Camarines Norte, Natimbog sa Cavite

BUMAGSAK NA sa kulu-ngan ang number 1 most wanted sa isang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito’y matapos ang mahigit anim na taong pagtatago sa batas ni Rey Olarte Santillan, 43, ng Sitio Lubo, Barangay Tabugon, bayan ng Sta. Elena.

Base sa report ng PNP Sta. Elena, boluntaryong sumuko sa kanila ang nasabing suspek na siya ring ika-10 sa mga most wanted sa kanilang lalawigan nang mamataan ito sa Trece Martires, Cavite.

Si Santillan ay may kasong murder dahil sa pagpatay sa kainumang si Ramon Obias noong taong 2006.

Ayaw namang magbigay pa ng anumang pahayag ang salarin.

Tiniyak ng mga kinauukulan na hindi sila titigil sa paghahanap sa kasabwat nitong kinilalang si Tagum-pay Guevarra. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.