Most wanted, patay sa engkwentro

CAMARINES SUR – PATAY ang tinaguriang most wanted sa engkwentro sa bayan ng Pili.

Sa ulat ng Camarines Sur, Police Provincial Office, kinilala ang suspek na si Danny Pas, residente ng Barangay Binanuahan sa bayan ng Pili sa naturang lalawigan.

Sinasasabing nalambat ng otoridad si Pas subalit sa halip na sumuko ay nanlaban na nauwi sa engkwentro hanggang sa mapaslang.

Si Pas ay miyembro ng robbery hold-up gang, Bombay hold-up gang at iba pang iligal na mga operasyon na nasa order of battle ng PNP.

Nahaharap din sa iba’t ibang kaso ang napaslang na most wanted.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.