MOST WANTED PA RIN: Relasyong John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, hindi tinatantanan!

John Lloyd Cruz and Ellen Adarna in Japan

FUNNY pero halata mo na ang madlang Pipol ay naiinip na sa kahihintay na malaman kung ang totoo.

Sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ba ay kinasal na?

Ano ba talaga ang totoo na until now ay tikom ang bibig ng mga nakapaligid sa dalawa na ayaw man lang magpatikim ng konting impormasyon?

Sa recently posting sa Instagram account na may handle name na @ellen_johnlloyd with almost 46.6K followers ay may photo posting ito na halaw mula sa isang eksena ng afternoon serye ni Ellen in a very elegant wedding gown with Ejay Falcon in tuxedo na pinalitan lang ng mukha ni Lloydie na mayroong short caption na Mr.& Mrs. Cruz na pahiwatig ba ito na may kasalan na naganap na inilihim lang ng dalawa?

 Sa social media din within the same name handle ay may photo posting showing ang paa ng isang infant na may text na “Happy 1st Month Elias Modesto” na ipinangalan diumano sa anak nina Lloydie at Ellen na halaw sa ama ni Ellen na recently ay pumanaw.

Habang hindi nagsasalita sina Lloydie at Ellen, patuloy pa rin ang panguurirat ng publiko at media sa estado ng dalawa.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.