Most wanted ng NPD, tiklo

NAGWAKAS NA ang tatlong taon at sampung buwang pagtatago ng isang numero uno sa listahan ng sampung top most wanted person matapos ng maaresto ng mga elemento ng Valenzuela Police Station sa pangunguna ng kanilang commander na si Senior Supt. Rhoderick C. Armamento sa pinagtataguan sa Davao City hinggil sa kasong double murder case noong Miyerkules ng umaga.

Si Pascual Ramos Bernardo Jr, 38, alyas “Ompong”, isa rin sa itinuturing na most wanted person ng Northern Pilice District (NPD), ay naaresro sa kanyang hideout sa harapan ng Davao City International Airport.

Matatandaang buwan ng Abril 2012 ay nagpalabas ng anunsyo si Congressman Sherwin T. Gatchalian ng unang distrito  at dating mayor ng lungsod ukol sa pagbibigay ng pabuyang P250,000 para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Bernardo, suspek sa pagpatay sa mag-amang Ernesto Lunaria, 65, at anak nitong si Edgardo Lunaria, 34, na mga nakatira sa # 2008 Hulo St., Bignay, Valenzuela City noong Disyembre 10, 2010.

Ang suspek ay naaresto sa binuong manhunt team ng Valenzuela Police Station sa tulong ng isang impormante kay Valenzuela City Police  Chief Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) Chief Inspector  Allan R. Ruba. Napag-alaman na may isang taon nang nagtatago sa Samal Island sa Davao ang suspek gamit ang alyas Christopher Sebastian, base na rin sa narekober na mga identification card na gamit nito.

Si Bernardo ay iniharap sa pamilya ng mag-amang biktima sa tanggapan ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian kasabay ng pagbibigay ng nabanggit na pabuya sa impormante.

Ang naarestong suspek ay nahaharap ngayon sa kasong double murder case sa sala ni Presiding Hon. Judge Emma C. Matammu ng Regional Trial Court branch 269 na walang kaukulang piyansa.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.