Most Wanted, Nadakip Na

MAKALIPAS ANG mahigit dalawang taong pagtatago sa batas, nadakip na ang isa sa tatlong suspek sa kaso ng pagpatay sa isang negosyante sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan noong Marso 16, 1999.

Sa ulat na ipinadala ni P/ Chief Inspector Joel S. Estaris kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Restituto Fajardo Y Manalo, 63 anyos, magsasaka, at residente ng Brgy. Sapang Bulak sa nabanggit na bayan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-8:45 ng umaga nang arestuhin ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Branch 11 Regional Trial Court Judge Basilio Gabo, Jr. kaugany sa kasong Murder.

Nabatid na no. 1 most wanted sa nabanggit na bayan si Fajardo, matapos nitong mabaril at mapatay ang biktimang si Rudy Aguirre na isang negosyante habang dalawa pa sa kasama nito ang pinaghahanap pa ng mga pulis.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa DRT Municipal Jail sa kasong Murder, kung saan walang piyansang inerekomenda ang korte para sa kanyang kalayaan.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.