Most wanted na rapist kalaboso

KASONG STATUTORY rape ang  kinakaharap ng top 3 most wanted suspect sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan nang ireklamo ng kanilang kapit-bahay na menor de edad.

Kinilala ng siyam na taong gulang na si “Nene” ang suspek na si Salvador Tulagan, residente rin sa lugar.

Sa salaysay ng biktima sa kapulisan, dalawang beses umano siyang ginahasa ng suspek at ang huli ay sa mismong bahay pa ng suspek nangyari.

Todo- tanggi naman ang suspek sa paratang laban sa kanya at sinabing hindi nito kilala ang biktima.

Lumabas sa medico legal examination ng bata na nagkaroon ng lasceration sa ari nito.

Desidido ang kaanak ng biktima na ituloy ang kaso laban sa suspek.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.