Most Wanted na Nadakip sa Caloocan, Nagbigti sa Loob ng Kulungan

ISANG MOST wanted sa Tarlac ang nagbigti sa loob ng selda ng Caloocan City Police matapos na madakip ito dahil sa pananakit sa live-in partner sa Caloocan City, kahapon ng hapon.

Patay na nang idating sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center si Adrian M. Dizon, 31, cook, residente ng Sangandaan ng nasabing lungsod, matapos magbigti sa loob ng Caloocan City detention cell.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, pinagpunit-punit ni Dizon ang kanyang damit at idinugtong sa dala nitong bimpo, saka itinali sa selda at ipinulupot sa leeg nito.

Si Dizon ay hinuli ni PO3 Eduardo Ronquillo sa Sangandaan Public Market dakong ala-1 ng hapon , makaraang ireklamo ng kanyang kinakasama na itinago sa pangalang “Maria”.

Napag-alaman na wanted sa La Paz, Tarlac Police ang suspek dahil sa kasong Murder at Theft.

Striker umano sa Tarlac Police si Dizon at minsan na rin itong nagnakaw ng baril ng pulis doon.

Nakiusap pa si Dizon kay Ronquillo na huwag siyang i-turn-over sa Tarlac Police.

Ilang sandali lang ang lumipas, nagkagulo na ang mga tao sa SID nang makita nina Ronquillo na nagpakamatay na si Dizon.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.