Most Wanted na Lolo, Timbog

NAPUTOL NA ang anim na taong maliligayang araw ng isang most wanted na lolo makaraang madakip ito ng awtoridad sa kasong Murder sa bayan ng Alegria, Surigao del Norte

Kinilala ang dinakip na si Gil Tanada y Baloyo, 72-any6os at residente ng Zone 10, Upper Carmen, Cagayan de Oro City.

Sinabi ni Caraga PNP spokesperson Supt. Martin Gamba, Jr. na inaresto si Tanada dakong alas-3:00 ng hapon sa kanyang pinagtataguang kubo sa Brgy. Anahaw.

Hindi na nakapagkaila si Tanada nang ipakita sa kanya ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Eduardo Lloren ng Cagayan de Oro RTC Branch 18 dahil sa kasong pagpaslang mahigit anim na taon nang nakalilipas.

Ang joint operations ng Regional Intelligence Unit (RIU) 13 at Alegria Municipal Police Station ang dumakip sa wanted na lolo.

 (E. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.