Most wanted carjacker, arestado sa Baguio City

ISANG MOST WANTED carjacker sa Cordillera region na umano’y konektado sa notor-yus na Dominguez carnapping syndicate ang inaresto sa Baguio City.

Sa ulat mula sa tanggapan ni PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. kinilala ang inaresto na si Karl Michael Laranang, 26 anyos at residente ng Bgy. Namonitan, Sto. Tomas, La Union.

Nabatid mula sa tauhan ni Highway Patrol Group Director, Chief Supt. Leonardo Espina, dinakip si Laranang sa Justice Hall sa Baguio City habang nag-uulat sa kanyang probation officer.

Ginawa ang pagdakip sa suspek ilang linggo makaraang ibaba ang manhunt operation laban sa kanya ng RHPU-Cordillera sa ilalim ng pamamahala ni Sr. Supt. Vladimir Kahulugan.

Si Laranang ay may warrant of arrest na inisyu ni Judge Cleto Villacorta II ng Baguio RTC Branch 6 sa paglabag sa RA 6539 o Anti-Carnapping Act of 1972.

Sa pag-aresto kay Laranang, nakuhanan pa ito ng pinatuyong dahon ng Marijuana sa bulsa ng pantalon nito.

Ayon naman kay Espina, bago madakip si Laranang ay namataan ito sa Sison at Pazzorubio, Pangasinan at umano’y naghahanap ng mapagbebentahan ng sports utility vehicle.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.