Most wanted balik-selda

KALABOSO MULI sa Labo PNP Jail ang isang most wanted criminal makaraang maaresto sa kanyang safehouse sa bayan ng Pagbilao, Quezon.

Ayon kay Chief Insp. Eusebio Arturo, chief of police ng PNP Labo, arestado muli si Ramil Trinidad, umano’y lider ng Ramil Trinidad hold-up group na nakapagtala ng mabibigat na krimen sa rehiyon.

Bukod kay Trinidad, arestado rin ang kasama nitong si Marlon Villanueva.

Sa ilalim ng joint operation ng PNP Region 5, intelligence group ng PNP Labo at Pagbilao PNP, agad nahuli si Trinidad sa kanilang ta-hanan.

Muling kakasuhan si Ramil at maging ang live-in partner nito na si Jonabelle Villaflores na siyang tumulong sa kanya para makatakas.

Bukod kay Villaflores, nahaharap din sa kaso si PO2 Jelmor John Imperial, ang pulis na nagbabantay nang mangyari ang pagtakas ni Trinidad.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.