Morning show nina Melai Cantiveros, Karla Estrada, at Jolina Magdangal sa Kapamilya Network, laging trending sa social media

Magandang Buhay Hosts Melai Cantiveros, Karla Estrada & Jolina Magdangal
Magandang Buhay Hosts Melai Cantiveros, Karla Estrada & Jolina Magdangal

Almost two months na pala ang morning show na “Magandang Buhay” ng Kapamilya Network na programang sumusunod after “Umagang Kay Ganda”.

Ito ang pumalit sa programa na “KrisTV” na nang nagbakasyon si Tetay right after the presidential election, ito na ang pang-umagang kasama ng mga nanay, mga kasambahay, at mga naiiwanan sa bahay na kinapulutulan nila ng impormasyong showbiz na sahog habang naglilinis sila ng bahay o ‘di kaya’y nag-uurong o nalalaba, o ‘di kaya’y naghahanda naman ng pananghalian.

Noong una, naisulat namin na naguguluhan ako sa programa. Nagsasapawan pa sila. Pero now, after almost 8 weeks na araw-araw nating napanonood ang troika ng “Magandang Buhay”, naging gamay na nina Jolina Magdangal, Karla Estrada, at Melai Cantiveros ang isa’t isa.

Comic relief si Melai Cantiveros sa show sa pagiging natural niya. This time, may timing na siya kung kalian siya sisingit at magiging komikera. Si Jolina Magdangal naman, as expected, kapado niya ang kanyang pagho-host, at si Karla Estrada naman ay ok na rin naman.

Pero ang mahalaga sa morning show nila, palaging nagte-trending ang topics nila at sa guests nila na sa “Magandang Buhay” ko lang napapanood.

Iba ang naging hatak ni KC Concepcion kasama ang tatlong kapatid na sina Miel, Frankie, at ang bunsong si Miguel. Sa show ko lang narinig na iniidolo pala ng nakababatang siblings niya si KC.

Iba rin ang naging reaction ng netizens at publiko sa magandang love story nina Billy Crawford at Coleen Garcia na nagkuwento ng kanilang buhay pag-ibig sa show.

Nang mag-guests ang cuties ng Senado na sina Sen. Sonny Angara, Sen. Joel Villanueva, at Sen. Win Gatchalian, nag-trending sa social media ang guesting ng tatlo, kung saan nakabuo pa nga ng bagong “loveteam” between Karla and Sen. Win.

Isang sorpresa ng show na napanood namin (yes, early riser po kami na alas-singko pa lang ng umaga ay nanonood na kami ng morning shows at news programs sa ANC at CNN), nang maging panauhin ang very private na si Maricel Laxa at ang binatilyo nilang anak ni Anthony Pangilinan na si Donny.

Cutie si bagets na p’wedeng mag-showbiz kung sakaling payagan ng kanyang parents.

Ang lakas ng feedback sa social media ng palabas nina Jolina, Karla, at Melai.

Say nga ni Jolina, “Nakatutuwa lang ‘yung feedback na nakukuha namin, na after their guesting, nagpapasalamat sila, dahil ‘yung other side nila e, nakita ng tao.”

Next week, papasok ang 2nd monthsary ng show na alam ko ay marami silang nakahandang “pasabog” sa special guests nila sa araw-araw.

Napanonood ang Magandang Buhay simula 7:30 ng umaga sa Kapamilya Nework.

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

3 thoughts on “Morning show nina Melai Cantiveros, Karla Estrada, at Jolina Magdangal sa Kapamilya Network, laging trending sa social media

  1. Such a boring show . Want kris tv .back . Even magdangal sa ASAP please take out that portion . Wag nyong haluan ng dear ate helen . That ‘s a moment for singing , dancing & many pasabog . Dont create this section of magdangal para lang may labas sa asap ..

  2. isa ka pang bayaran n writer RK Villacorta…tama, almost two months ng hilahod ang show n pinagmamalaki mo bakla… trending talga sya parati at salamat s pindot agents ng brand x mo hahahaha!! sumamakang makipaglokohan s mga pindot agents at kay alex brosas…mga bayarang bakla hahahahaha!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.