Morato, makukulong ng 6-12 taon

 

TINITIYAK NA MAGHIHIMAS ng rehas sa loob ng anim hanggang 12 taon si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chair Manoling Morato dahil sa kasong electioneering na isinampa sa kanya ng PCSO sa Comelec kahapon.

Pinahayag ni Atty. Boni Alentajan na si Morato ay i-nakusahan dahil sa lantarang pag-endorso sa mga kandidato ng nakalipas na administrasyon gamit ang kanyang TV show sa NBN Channel 4 na pinondohan ng gobyerno. Ayon din sa Revised Penal Code, ang parusa ay may kasamang multa at permanent disqualification from public office.

Ang inendorso niyang kandidato ay si Lakas-Kampi presidential candidate Gilberto “Gibo” Teodoro sa ilang episode ng kanyang Dial M TV show. Sinabi ni Alentajan na isang election offense ang paggamit ng pondo at kasangkapan ng gobyerno para sa kampanya ng ilang kandidato.

Sa isang episode ng Dial M na pinakita sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, hiniling ni Morato sa mga manonood na iboto si Teodoro at ang runningmate nitong si Edu Manzano. Sinabi ni Morato na hindi dapat iboto ang mga senatoriables na sina Sen. Francis Escudero at Teofisto Guingona.

Nang ipalabas ang video ng Dial M episode, hindi nakuhang ngumiti ni Morato at sa halip ay nabakas ang labis na pagkabalisa. Pagkatapos ng hearing, sinabi niya sa mga mamamahayag na biro lang ang ginawa niya sapagkat ang Dial M ay isa diumanong comedy show. Dinig na dinig din ang pag-alipusta ni Morato kina Escudero at Guingona sa naturang episode.

Ayon kay Alentajan, “open at closed case” ang kaso laban kay Morato. Umamin mismo si Morato sa publiko na ginawa niya ito sa dahilang gusto lang niyang magpatawa. “Katawa-tawang alibi’ yan,” ayon kay Alentajan.

Bukod pa sa kasong ito, tinitiyak na ilan pang kaso ang isasampa laban kay Morato, kagaya ng pagkakasangkot niya sa illegal paper supply contract ng TMA at pagbili ng online lottery machines na walang public bidding.  Sa lahat-lahat, malamang na habang pagtanda ni Morato, siya ay maghihimas ng malamig na rehas.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.