Morale ng PCG, Apektado ng May 9 Incident

AMINADO ANG pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na apektado ang kanilang morale sa pagkakasangkot ng mga tauhan sa pagkamatay ng isang mangingisdang Taiwanese sa bahagi ng Balintang Channel.

Sinabi ni Coast Guard head Rear Admiral Rodolfo Isorena na masama umano ang kanilang loob sa inaaning batikos bagama’t iginiit nito na ginagampanan lamang nila ang kanilang tungkulin.

Sa kabila nito, tiniyak din ng opisyal na patuloy nilang gagawin ang kanilang responsbilidad sa pagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas.

Una nang sinabi ni Isorena na wala itong nakikitang problema sakaling kailangang humarap siya sa pagsisiyasat kaugnay sa pagkakasangkot ng 17 tauhan nito sa pagkamatay ng isang Taiwanese national.

Ayon kay Isorena, mayroong magandang ugnayan ang Philippine at Taiwanese coast guard kung kaya’t nakahanda umano siyang makipagtulungan sa ginagawang pagsisiyasat.

Tiniyak rin ng opisyal na kasalukuyang nasa custodial investigation nila ang naturang mga tauhan at nakahanda aniyang humarap ang mga ito kapag ipinatawag.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.