Monorail Transport, Planong Itayo sa QC

PLANO NG pamahalaang lungsod ng Quezon na magtayo ng monorail na may biyahe simula sa Commonwealth Avenue hanggang sa Rodriguez, Rizal.

Ito’y upang matulungan ang 22,000 informal settler sa kani-lang biyahe papuntang Maynila matapos silang ma-relocate sa Rodriguez.

Inirereklamo ng mga ito ang malayong biyahe mula sa Rizal patungo sa kanilang trabaho na nasa Metro Manila kung saan 300,000 residente rin mula sa Barangay Commonwealth, Payatas at Bagong Silangan ang makikinabang.

Ang naturang panukalang monorail ay kahalintulad ng itinayo sa University of the Philippines-Diliman.

Samantala, nakipag-ugnayan na ang gob-yerno sa Department of Science and Technology (DOST) para sa pagsasagawa ng konkretong pag-aaral.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.