Monopolya ng Maynilad at Manila Water, Sisiyasatin ng Senado

DAPAT NA may taga-bantay ang mga tinaguriang natural monopolies para hindi abusuhin ang mga konsyumer.

Sa pagpasok ng 16th Congress, nangako si Senador Chiz Escudero na uunahin nilang siyasatin ang monopolya ng dalawang water concessionaires na Maynilad at Manila Water.

Ayon sa mambabatas, kapag nagkaroon ng market failure tulad ng pag-alma ng maraming konsyumer, dapat nang makialam ang pamahalaan.

Hangad aniya ng Senado na magkaroon ng solusyon sa problema ng pagpapasa ng buwis sa konsyumer.

Gagawin ito ng Senado in aid of legislation.

Bukod naman sa mga opisyal ng Maynilad, Manila Water at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), plano ring ipatawag ang pamunuan ng iba pang water district sa oras na maayos na ang committee chairmanship.

Samantala, plano ni Escudero na ipanukala ang pagkakaroon ng national grid tulad ng sa kuryente, kung saan puwedeng kumuha ng suplay kung saan sobra at mura.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.