Money Transfer Nilooban sa Bulacan

MULING UMATAKE ang hinihinalang acethelyn gang at nilooban ang isang money transfer sa bayan ng Bustos, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat ni PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz, Jr. pasado alas-8 ng umaga nang madiskubre ng mga tauhan ng Western Union Bustos branch ang malaking butas sa kanilang pader.

Sa pagsisiyasat, aabot sa P92,230 at $400 ang nawala habang aabot sa P50,000 ang halaga ng mga alahas na nawala sa naturang establisyemento.

Sinasabing ginamitan ng barena, haudralic jack, crow bar at acethelyn kaya nakapasok ang hindi nabilang na kawatan sa Western Union. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.