Money Transfer, Hinoldap

HINOLDAP NG limang hindi pa nakikilalang mga suspek ang sangay ng Western Union Money Transfer sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Base sa ulat, alas-7 ng umaga, bubuksan ng teller na si Gilbert Gutirrez, 33, ang Western Union sa Quirino Highway ng lungsod nang sumulpot ang mga suspek sabay tutok ng baril.

Hindi na rin nakaporma ang sekyu na si Joselito Bingao dahil naunahan at kinuha ang kanyang .9mm na baril.

Pinabuksan ng mga suspek ang vault bago kinuha ang P953 cash at $6,921 at bago tumakas ay binaklas ng mga una ang close circuit television.

Nagsumbong naman sa mga pulis sina Gutierrez, kung saan nagsasagawa na ng im-bestigasyon.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.