Mon Confiado, bading na may topak!

MARAMING HINDI NANINIWALANG walang malalim na namamagitan ngayon kina Sam Milby at Anne Curtis. Pero, may nakapagsabi sa amin na mayroon na raw ibang boyfriend si Anne na hindi taga-showbiz. Lahat ng ka-showbiz-ang chika tungkol sa lovelife niya ay walang katotohanan.

Maaaring nagdududa pa rin ang marami sa ugnayan nina Sam at Anne ngayon sa dahilang iba ang mga ikinikilos nila at sinasabi. Mayroong kakaibang body language. Sila ‘yung tipong napaka-sexy ng projection among their contemporaries, without really trying. Ito ang nakikita naming magic ng kanilang tambalang susubukan ng Star Cinema sa pelikulang Babe, I Love You.

Inamin nina Sam at Anne na away-bati ang relasyon nila, maski ngayon. Naroroon pa rin ang ilang tampuhan, na ang kaibahan nga lang, mabilis na itong napa-patch up. Masasabi ngang nag-transcend na sa ibang level ang kanilang ugnayan, kaya puwedeng paniwalaan na ‘yung sinasabing wala na talaga sila. Pero naroroon pa rin ang caring, na mas maganda ang dating dahil napapahalagahan nila ang pagkakaibigan nila more than the struggles of staying in love with each other.

Magkasama sa isang proyekto sina Sam at Anne hindi para pasakayin ang fans sa kanilang mga kaeklatan na spice lang naman ng gustong mapaglaruan ng media at press sa kanila. More than anything, marami pa rin talaga ang nagkakagusto sa kanilang kumbinasyon, at ngayon ito masusubukan kahit nga sinasabi ng dalawa na hindi naman talaga sila nagkabalikan.

MARAMING tatalbugan si Mon Confiado sa gay portrayal niya sa mala-”Psycho” na indie film na Pilantik na idinirek ni Argel Joseph. Naroroon ang softness ng pagiging bading, pero ang puwersa ng isang may topak ay taglay ng persona ng kanyang acting style na ipinamalas doon.

Masasabing ito na ang panahong unti-unting napapansin ang attempts at efforts ng character actor. Sa pagdiriwang niya kamakailan ng kanyang kaarawan, nai-preview sa press ang Pilantik sa kanyang business establishment na 22nd Street sa Marcos Highway, Antipolo. Roon ay napag-usapan talaga ang malaking inasenso ng estado ni Mon bilang aktor.

Nagsimula rin ito nang tanggapin niya ang lead role sa Estasyon na idinirek ni Cesar Apolinario, na siyang nagdidirek ng Indak ng Rehas, tungkol sa YouTube sensation na dancing prison inmates sa Cebu. May English title itong “Dance of the Steel Bars” kung saan makakasama ni Mon ang Hollywood actor na si Patrick Bergin (nakatambal ni Julia Roberts sa Sleeping with the Enemy).

Sa Cinemalaya movies na Sigwa at Two Funerals, parehong may markadong roles si Mon.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

5 thoughts on “Mon Confiado, bading na may topak!

  1. Bilib ka rin sa sikmura nitong mon confiado… ikaw ba naman ang may baklang taga sustento at matronang tinitira… so do you think his acting would established all of what he have? cars, house, business at marcos highway na palubog? he’s a bland actor who is very TH sa mga movies. Madalas na bibigyan lang ito ng awards ng mga award giving bodies na lobbied by the gay benefactors of this dude.

  2. Top 20 Pinoy’s Most Non-breeding Celebrity

    1. Rosanna Roces
    2. Anabelle Rama
    3. Lolit Solis
    4. Cristy Fermin
    5. Tita Swarding
    6. Alfie Lorenzo
    7. Marian Rivera
    8. (Mohan Gumatay) DJ Mo Twisterette
    9. Vice Ganda
    10. Chokoleit
    11. Ai Ai Delas Alas
    12. Joey De Leon
    13. Willie Revillame
    14. Baywalk Bodies
    15. Ruffa Mae Quinto
    16. Jobert Sucaldito
    17. IC Mendoza
    18. Katrina Halili
    19. Alessandra De Rossi
    20. Madam Auring

  3. yeah i like that actor, effective tlga pag nagkontrabida. at magaling sa buhay, nakapagpundar ng maraming bagay. keep up the good work and God bless you more!

Leave a Reply

Your email address will not be published.