MOMMY NI SARAH GERONIMO, SOBRANG PAKIALAMERA?!

ITINANGGI NI COCO Martin ang blind item sa kanya na nag-walkout siya sa taping ng Minsan Lang Kita Iibigin.

“Hindi ko naman gagawin ‘yun. Ano naman ang karapatan ko para gawin ang bagay na ‘yun?” esplika ni Coco.

Pero may isang araw na talagang napilitan daw siyang iwan ang taping dahil sa sobrang sama ng pakiramdam. “Nasa Tanay, Rizal kami at dahil bad weather noon at malakas ang ulan, naaambunan kami at sumama ang pakiramdam ko. Nagpaalam ako sa kanila na hindi ko na talaga kaya,” paliwanag ng aktor.

Paliwanag naman ni Biboy Arboleda na manager ni Coco, miscommunication lang ang nangyari. “Nu’ng araw na ‘yun, masama ang pakiramdam ni Coco. Nag-aantay sila na tumila ang ulan, then saka sila magre-resume. Antay sila, then resume. Siyempre, napapagod hindi lang ang artista kung hindi pati rin ang staff.

“Ang cut-off ni Coco was at 5 am. Hindi nagkaintindihan ang staff na ‘pag 5 a.m., Coco has to step out of the set kasi masama na ang pakiramdam. Kaya ang lumalabas, nag-walkout daw kasi he was in his car at paalis na. Then they realized na meron pa siyang eksena na ite-take.”

NATAKOT PALA SI Moi Marcampo kay Direk Joel Lamangan kaya talagang kinarir niya ang role niya bilang mataray na mayordoma sa Magic Palayok. “Natatakot kasi ako kay Direk, so hindi ko inisip na nahihirapan ako. Hindi ko iniisip na umaakting ako, kasi, si Direk nakakatakot. Hindi puwedeng arte-arte,” tsika ng production assistant ni Piolo Pascual na artista na ngayon.

Na-surprise kami nang malaman naming hindi binigyan ng tips ni Piolo si Moi sa pag-arte.

“Hindi niya ako tinuturuan kung paano umakting. Bahala raw ako. Kaya ko raw,” sabi ni Moi na medyo nahihiya sa aktor dahil bisi-bisihan na siya at hindi na masyadong nasasamahan si Piolo sa kanyang mga lakad.

“Nahihiya nga ako kay PJ. Gaya nu’ng concert niya, hindi ako nagpunta, kasi, nasa taping ako ng Magic Palayok. Nakakahiya naman, hindi ko naalagaan. Pagdating nga niya iniinggit niya ako. ‘Ang saya-saya ng concert!’” kuwento pa ni Moi.

OVER PROTECTIVE PALA talaga ang ina ni Sarah Geronimo. May nakapagtsika kasi sa amin na pati pala sa shooting ay nakikialam ang Mommy Divine ng singer-TV host. Kapag may eksena raw itong hindi gusto, talagang gumagawa ang madir ng paraan para hindi ito matuloy.

Totoo ba na sa shooting dati ni Sarah kunsaan leading man niya si John Lloyd Cruz ay binato ng tissue ni Mommy Divine ang director nilang si Cathy Garcia-Molina?

May isang eksena sa kotse sina Sarah at John Lloyd na very sweet sila. Habang gumigiling ang camera at nang halos parang hahalikan na raw ni Lloydie ang dalaga, biglang napaangat sa kanyang upuan si Mommy Divine. Hindi pa kasi sumisigaw ng ‘Cut!’ si Direk Cathy at ang fear yata ng madir ni Sarah ay baka biglang mahalikan ang kanyang dyunakis.

Alam n’yo ba ang ginawa raw ni Mommy Divine? Bigla raw binato nito ng isang box ng tissue ang director na nagulat sa ginawa ng ina ni Sarah. ‘Ayun, biglang napasigaw ng ‘Cut!’ ang direktora.

Hindi na lang daw kumibo si Direk Cathy sa pakikialam ng madir ni Sarah. Mabait naman kasi si Direk Cathy at ayaw na niyang palakihin ang issue. True ba itetch, Sarah?

Sa isang awards night naman, nagwagi si Sarah at siyempre ay umakyat ito ng entablado. Nandoon din si John Lloyd nung panahong ‘yon, at siyempre, kinantiyawan siya ng mga kaibigang press na siya ang mag-escort kay Sarah papunta sa stage.

Gentleman that he is, tumayo si Lloydie para ihatid sa stage ang kanyang leading lady. But he’s too late. Bigla raw kasing humarang si Mommy Divine sa daraanan ng actor at si Sarah naman ay mabilis ang paglalakad, kaya nakaakyat na kaagad ito ng stage.

Totoo ba ito, Mommy Divine?


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

19 thoughts on “MOMMY NI SARAH GERONIMO, SOBRANG PAKIALAMERA?!

  1. kung makapagsalita naman ito si positions master parang laging nag-iimbento ang writer. tanga ka pala. si alex ang nagbulgar na magsyota noon sina sarah at rayver at napatunayan naman niya. ikaw ang malaking tanga dahil akala mo lahat imbento sa showbiz. wala kang kasing bobo kasi bobo ang ina mo. lahi kayo ng mga bobo. grabe ang katangahan at kabobohan mo. bumalik ka nga muna sa pag-aaral. teka, mukha naman palang wala kang pinag-aralan kasi sa sobrang kakatihan ng ina mo ay hindi ka na pinag-aral. imbento pala ang sinusulat bakit ka nagbabasa. bakit pina-follow mo ang sinusulat ni alex kung hindi ka ba naman malaking TANGA at BOBO!

  2. Sara G. has been working since 14, isa na siyang cash cow sa pamilya niya…this constitutes CHILDE ABUSE, kahit pamilya pa yan, ABUSE is ABUSE. Now that Sara is over 21, dapat siya na ang may hawak sa pera niya. tingnan mo si Regine V., siya ang tumutulong sa pamilya niya, pero siya pa rin ang may control. to Sara's Mom and DAD, shame on you, pinagkait ninyo ang pinakaimportanteng bagay sa isang tao, ang youth ni sarah…you stole her youth

  3. hindi puedeng mag bf si sarah kasi mawawalan ng taga paghanapbuhay ang parents nya..pareho kasing hindi nagtatrabaho kaya ayunn si sarah ang alipin nila!!

    • ang tatay niyang maangas ang laki laki ng katawan at nasa 30's lang noon nung mag umpisang maging bum, hekhekhek

  4. kawawa naman si sarah..hindi nya na e enjoy ang income nya..at bakit hindi alam ni sarah kung saan napupunta ang mga income nya? nakita namin si sarah sa rustan years ago..kasama nya siblings nya at mom nya..pinagalitan si sarah ng mommy nya at pinasauli mga snacks na nilagay ni sarah at mga kapatid nya sa trolley grabeh..inaapi ang cash cow nila!!!

    • ay nako totoo ka, pinagbabawalan pa siyang mag enjoy sa ice cream at chocolates, dahil masama raw sa boses, ano raw? eh bakit naman si charice laging kumakain ng ice cream, kawawa tuloy si sarah lulunok, lunok na lang sa pagkasabik.. kunsabagay, doon nga naman sila umaasang lahat sa boses ni sarah at natatakot silang masira yun, kundi sira ang negosyo, hak hak hak

  5. aba, kesa naman maging pokpok ang anak ko, sabihin na lang na over-protective ako. sus, tingnan mo ang pinakawalan ng magulang, kung maghubad walang care, pag nagka-dyowa akala mo asong ulol na aagawan lagi ng buto. maswerte pa rin ang SARAH GERONIMO!

    • bakit naman siya magiging pokpok? kung maganda ang pagpapalaki ng magulang niya sa kaniya, hindi siya magiging ganon,lalo na kung ganiyang pareho siyang may nanay at tatay! naniniwala ako na nasa tamang paggabay ng magulang yan, hindi yung parang mga diktador,

  6. tapos hindi pa makahawak ng sariling pera niya, nangungutang pa para pambili ng regalo, paano nga nasa parents niyang sakim ang mga kita niya

  7. kowwww.. talagang pakialamera ang mga parents niya, umpisa pa lang nagpakita na sila ng kontra kay rayver, kasi nga takot mawalan ng kabuhayan

  8. writer na anti-sarah..wag ka ngang epal…baklang ito…palibhasa walang matres di alam kung papano maging nanay…di kami naniniwala sa yo…eh…kahit gawin pa yon ni mommy divine…care mo bah?

  9. kayo nalang maging nanay… as if meron ba kayo ebidensya??? puro lang naman tsismis ang lam nyo gawin..panira ng kapwa! kung makapagsalita kayo as if napaperfect nyo…

  10. At sa mga mahaderang nag-comment kanina, WALA KAYONG ALAM sa kung ano talaga ang nagyari kay Sarah. tama lang na pagbawalan niya si Sarah na ma-inlove sa lalaking two timer pala at ginagamit lang siya para sumikat.

    Ano ngayon, di kinakain ng Big mouth rayver na yan ang sinasabi niya. Pinagsabay pala niya sina sarah at kubeta cristine.

  11. Bay, balang writer na parang pinaglihi sa hollow blocks ang mukha, anu na naman itong paninira mo kay Sarah. Ang galing mong mag imbento ng kwento.

    Bitter much kay Sarah. Kahit kelan talaga ang epal mo lol!

  12. naku talagang may pagkukulang din ang parents ni sarah kaya nasaktan ng husto yung anak nila, na kesyo si sarah daw kasi ay di gaya ng iba na alam ang pasikot sikot sa pakikipag relasyon, eh paano ngang matututo yun kung lagi silang naka-epal, kaya tuloy tumatakas si sarah para lang makipagkita kay rayver, malamang na takot lang sila na mawalan ng palabigasan at baka nga naman biglang mag-asawa, pero sa ginagawa nila, hindi malayong mangyari yun, kasi marami diyan na sobrang hinihigpitan ng parents kaya biglang nag-aasawa para lang makatakas

  13. …anu bang parents yan,papano makakapag enjoy ang anak mo kung sobrang protective ka?hindi kaba nagdaan sa stage na yan lola devine?,wala kang tiwala sa anak mo, e anu pat pinagtatrabaho mo sya ng todotodo…hindi mo ba alam na may halong pang-aabuso ang ginagawa nyo?at sa tingin ko hindi naman gagawa si sarah ng hindi maganda.teenage paba si sarah?kaloka naman…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.