Mommy ni Piolo Pascual, na-trauma sa pagkaka-snatch ng bag

Piolo-PascualAYON KAY Piolo Pascual, mahirap nang talunin ang mahigit na P400 million na kinita ng Starting Over Again movie nila ni Toni Gonzaga under Star Cinema. Kung masusundan pa raw ito ay kailangan daw ng masinsinang pag-iisip, paghandaan ang magiging istorya ng pelikula para magkaroon uli ito ng kakaibang magic sa takilya.

Pero alam ba ninyo na na-snatch ang bag ng mommy ni Piolo sa araw mismo nang ginanap ang premiere night ng pelikula?

Ayon sa nagtsika sa amin, pababa na raw ng escalator ang mommy ni Piolo sa nasabing mall na pinagdausan ng premiere night ay sinabayan daw ng isang lalaki ito at sabay hinablot ang bag. May laman daw na P40,000 ang bag na binigay ni Piolo dahil may pinababayaran daw ang actor sa ina.

Gabi na kasi nang matapos ang premiere night kaya wala nang tao at patay na rin ang mga camera sa mall dahil sarado na ang mga store sa dinaanan ng mommy ni Piolo nang bumababa na ito sa escalator ng nasabing mall.

Bale-wala ang nahablot na bag naglalaman ng fourty thousand pesos sa laki ng kinita ng pelikula ni Piolo. May malaking bonus namang natanggap ang lead star ng nasabing movie.

Ang hindi lang puwedeng bayaran sa nangyari sa mommy ni Piolo, ang trauma na dinanas nito sa kamay ng magnanakaw na nangyari pa mismo sa mall na pinagdausan ng premiere night.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

6 thoughts on “Mommy ni Piolo Pascual, na-trauma sa pagkaka-snatch ng bag

  1. maraming ng yari ganyan sa mga artista at kaibigan nila,hindi lang nag salita sana nga ayosin ng mga sm mall yan. papano na pag ang mahirap ang napili nila akala nila mayaman pero nag mamall dahil sa nag papalamig,tumitingin tingin at na ngangarap lang, sana wag na nilang hintayin may mang yari lalo na sa mga dayuhan.

  2. NANGYARI NARIN YAN SA MGA KAIBIGAN NI ANDI EIGENMANN NONG NAG PREMIER NIGHT ANG MOVIE NILA NI JERICHO ROSALES NA ABANAKABASA etc….. SANA MA AYOS YAN NG SM MALL!

  3. graveh nman yan…mismong sa lugar na madaming tao ngyayari pyang gnyan….im sure madami png tao dat time kc inaabangan pa ngmga fans pglabas ngmga artista after da pn..pero di bale barya lng k mama p. ung halagang un aldo ung trauma ngalang tlaga ang nakakatakot dyan…sobra na kc tlaga krimen sa bansa naten…unmga nangunguha ngalang ng bag samga kainan e talamak tlaga atdi naman natatakot khit nakukunan ng cctv…

Leave a Reply

Your email address will not be published.