Mommy na si Juday!

NANGANAK NA SI Juday! Ito ang magandang balita ngayon sa apat na sulok ng showbiz after Judy Ann Santos gave birth via normal delivery to a healthy baby boy last October 7 (5:51pm) at the Asian Hospital.

Ryan Agoncillo and Juday named their newborn son Juan Luis (Lucho ang kanyang palayaw). “It’s Juan Luis. ‘Yung Luis, pangalan ng father ni Ryan at ‘yung Juan kay Yohan kasi Joana siya. Tinagalog lang,” paliwanag ni Mommy Carol na super excited sa kanyang bagong apo.

Nagsimulang magkaroon ng labor pains si Juday ng 11 a.m. and she gave birth ng 5:51 p.m. Nagpasalamat si Mommy Carol sa lahat ng mga nagdasal for Juday’s safe delivery. “Thank you so much. She did not have a hard time. Thank you so much sa mga prayers ng maraming tao.”

The Buzz was able to have a live phone interview with Juday. Nagkuwento siya tungkol sa kanyang experience while giving birth. “Amazing iyong pakiramdam. The whole time parang lasing lang kami ni Ryan kasi tawa kami nang tawa sa loob ng delivey room.” Relaxed daw sila ni Ryan although he was a bit nervous kaya dinadaan niya sa jokes para hindi mahirapang manganak si Juday. It was definitely a wonderful and unforgettable experience for Ryan who cut the umbilical cord of Baby Lucho.

Ninanamnam ng mag-asawa ang mga sandaling kapiling ang kanilang bagong baby. Mukhang matatagalan pa bago muling sumabak sa harap ng kamera si Juday because she wants to be a hands-on mom to her kids. At naiintindihan natin ito.

Tingnan mo nga naman at ang bilis talaga ng panahon. Dalawang dekada nang namamayagpag sa industriya si Juday. Kung dati ay siya ang batang si Mara na nagpaluha sa libu-libong manonood ng Mara Clara, ngayon naman ay isa na siyang proud mommy sa kanyang two kids na sina Yohan at Lucho. Pero kung tayo ay nakikiluha kasama ng kanyang mga karakter sa series at pelikula, tayo naman ay nakikisaya kasama niya sa totoong buhay dahil sa magandang takbo ng kanyang buhay pag-ibig at pamilya.

Gaya ng madalas kong sinasabi, babies are always lucky. Sana ay mas tumibay pa ang pagmamahalan nina Juday at Ryan sa pagdating ni Baby Lucho.

Congratulations, Juday and Ryan!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

12 thoughts on “Mommy na si Juday!

  1. ahahaha.. mga sugo yan ng LAOS ng CLAUDINE.. hihi! – ang kabayo nyong idol,, sa damuhan pinulot.. buti sana kung sa kangkungan man lang.. LAOS

  2. nakita ko na si Juday sa personal at napatunayan ko na di siopao ang mukha nya! nagulat nga ako maliit ang mukha ni juday sa personal at ang ganda ganda nya simple pero maganda talga! Baka etong nanlalait kay juday pagtabihin kayo ikaw ang mukhang siopao at kuyog kuyog pa ang mukha mo punyeta ka!

  3. Mas hamak na suwerte si Ryan Agoncillo ke Juday kumpara sa kamalasang inabot ni Raymart Santiago sa pagpapakasal ke Claudine Baretto na me topak. Kawawa talaga si Raymart.

  4. korek k jan! feeling nia ang ganda ganda na nia… excuse me noh! arteeeeeeee! si ryan lang naman ang pumansin jan eh! sa totoo lang.

    • mother, never nag feeling si Judy Ann! kung ang sinabi mo pa iyong si melai, a-agree ako. Judy Ann may not be as beautiful as kristine hermosa, but she is lovely and very charming.

    • Bakit mo naman nasabi iyan? Cutify, (cute ka nga ba?)
      Si Juday ang pinaka-humble at tutuong tao sa mundo ng kashowbizan. Kaya huwag mong sabihin iyan at never siya nagpi-feeling. Sarili nga niya nilalait niya minsan. Bihira akong mag-idolize sa isang artista pero gusto ko talaga ugali ni Juday.

  5. Kahit anong galing ng stylist at designer ni Juday, mukha pa rin siyang SIOPAO. Akala mo kong sinong maganda porket nakapangasawa lang ng tisoy na pandak. Neknek Mo!!!!

    • ok ka rin noh, siguro dyosa ka ng kagandahan. mag-artista ka na lang, at ng pakinabangan mo yang ganda mo, punyeta ka!

    • Iha, magtabi nga kayo ni Judy Ann sa tunay na buhay, tingnan natin kung ano kalalabasan mo. Siguro saksakan ka ng ganda ano? Makinis ka ba at maputi balat mo? kasing kinis ba iyan ng balat ni Juday? Kawawa ka naman, siguro malungkot buhay mo. Tsk tsk…

Leave a Reply

Your email address will not be published.