Mommy Eva Cariño, ayaw isiping may karelasyon si BB Gandanghari

PATULOY NA gumaganda ang samahan ng buong Padilla clan matapos magkaayos ang magkakapatid. Patunay rito ang mga litratong ipinost ni BB Gandanghari sa kanyang Instagram account na ipinapakitang magkakasama sila sa mga family gathering. Bakas sa kanilang mukha ang labis na kaligayahan now that everything has been settled among them.

BB’s fervent wish to be accepted by her family was finally granted. Nangyari ang reconciliation when she was hospitalized because of extreme dehydration. Tinawagan ni Mommy Eva ang ibang mga anak para dumalaw sa ospital. They all came and cheered BB up.

Mommy Eva Cariño revealed na maraming beses na silang nagsasalu-salo. “Puno ng nakakatuwang usapan. Puro si BB! Sabi nga ni Robin, ‘mula ngayon tanggapin na natin si BB at tanggapin na rin natin na talagang patay na si Rustom.’ Tawanan kami. Sabi ko naman, ‘oo nga, si BB napakaganda naman talaga.’ Sabi ni Robin, ‘okay iyan!’”

Robin and Mariel Rodriguez frequently invite the whole family in their new house in Parañaque for their gatherings. Kuwento ni Mommy Eva ay sabik na sabik si Robin kay BB. Pabiro raw na sinusuntok ni Robin si BB at sinasangga naman nito.

Dagdag pa ni Mariel, “Nakakatuwa silang magkasama. Robin is getting to know his new sister. They would text [each other] regularly. We’re gonna have dinner again. Pina-follow na ni Robin sa Instagram si BB. Nila-like na niya iyong pictures.”

Mommy Eva was asked regarding BB’s lovelife pero sinabi niya na ayaw pa niyang isipin ang pagkakaroon nito ng karelasyon.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Mommy Eva Cariño, ayaw isiping may karelasyon si BB Gandanghari

  1. Can someone enlighten me about Eva Carino.  Was she married to the father of her children or was she just a mistress.  Just curious, that’s all.

Leave a Reply

Your email address will not be published.