Mommy Dionesia, talagang agaw-eksena!

OLA-CHIKKA! TUWANG-TUWA ang sambayanang Pilipino sa muling pagkapanalo ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Bonggacious! Parang wala na nga lang, dahil halos gawin na lang niyang punching bag ang kalaban niyang si Joshua Clottey.

At siyempre, hindi maiiwasan ang mga intriga lalo na sa ganu’n kalaking event. Una na nga lang itong pagkanta ni Arnel Pineda. Naku, huh! Rinding-rindi na ako sa isyu ng pagsasampa ng kaso sa mga kumakanta sa laban ni Pacman, ilang beses nang nangyayari iyan, paulit-ulit na lang.

Eh, bakit ba kasi hindi gawan ng aksiyon ng gobyerno? Hindi puro salita. Kung pinoproblema nila ang pagbabago ng tono ng mga singer sa ating National Anthem, pangatawanan nila, hindi ‘yung puro pananakot na lang. Eh, kung bigyan n’yo ng isa? Totohanin n’yo dahil kung hindi, eh ‘di manahimik na lang din kayo. Wala naman kayong nagagawa. Buti nga tono lang, eh! Magalit kayo kung pati lyrics, iniba na. Ayun, du’n kayo magwala!

Itong pagkanta ni Arnel Pineda, iba na nga ang tono, hindi pa maganda ang pagkakakanta, mas masahol pa siya kay Martin  Nievera.

BONGGANG-BONGGA NAMAN ANG asawa nitong si Pacman na si Jinkee Pacquiao. All out support at pero teka… parang may kulang! Nasa’n ang pambansang “K” ng Pilipinas? Wala yata akong nakitang Krista Ranillo sa eksena? Akala ko ba hindi siya takot kay Jinkee, ngunit kahit anino niya yata ay hindi ko naaninag? Hmmm… Alam ko na! Baka nandu’n sa aso niya at nag-joyride muli sa eroplano!

Pero in fairness naman kay Manny, wala talaga akong masabi pagdating sa boxing dahil talagang kampeon siya. Kaya puwede bang tumigil tigil na itong si Mommy Dionesia sa drama niya, kung saan magaling ang anak du’n pinatitigil! Excuse me pow!

MASAYA MAN ANG buong Pilipinas ay tiyak na nag-e-emote pa rin itong si Kris Aquino dahil nu’ng napanood ko siya nu’ng inggo ay hard iyak talaga ang beauty niya. Sabagay may point naman ang mga sinabi niya at naiintindihan ko ‘yung drama niya.

Mahirap maging Kris Aquino lalo na at lahat ng mata ay nakatingin sa iyo. Konting mali, kung anu-anong isyu na agad ang naglalabasan. Kaya naman dapat ay magpakatatag siya dahil baka nakakalimutan niyang si Kris Aquino siya.

Kung ako sa kanya, hindi ako aalis ng showbiz dahil lang sa mga chismis na iyan. ‘Yung isyu sa kanila ni Ruffa Gutierrez, kung ako ‘yun, hinding-hindi ako hihingi ng tawad, dahil wala naman siyang ginawang masama. At puwede ba, hindi niya ka-level si Ruffa, ‘noh!

BLIND ITEM: PITIK BULAG! Sino siya? Sino itong feelingerang host na daig pa ang bagyo sa kalakasan ng hangin sa katawan samantalang ang mga pinagmamayabang niyang mga ari-arian ay hindi naman pala sa kanya? Gulat ka, ‘noh?!

Ayon kasi sa aking parazzi girl, ginagamit lamang ng mga kilala at makapangyarihang pulitiko itong mayabang na host at ipinangalan lang sa kanya ang mga pag-aari upang hindi masilip ng BIR. Porke’t humataw sa rating ang kanyang show ay hindi ito sapat upang makabili siya ng mga ganu’ng pag-aari, dahil ilang taon pa lang ba siyang nagho-host sa show niya ngayon? Taray, ‘di ba?  Instant kayamanan agad ang nakapangalan sa iyo!

Sino itong feelingerang host na akala mo sobra, as in to the highest level, ang kayamanan kaya kung umasta, akala mo hari? Kung may isang taong ikukumpara sa kayamanan ni Pacman, malamang ito ‘yun… Ha-ha! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

13 thoughts on “Mommy Dionesia, talagang agaw-eksena!

  1. Exceptional article, this is very similar to a site that I have. Please check it out sometime and feel free to leave me a comenet on it and tell me what you think. I'm always looking for feedback.

  2. Gawin na lang once a week si Kris, ‘no? Nakakasawa na ang pagmumukha niya!

  3. galeng sumipsip ni Swarding kay Kris ah i smell something fishy sa baklang to…parang nag papabango kay Kris asus bakla…dami na kayong OA

  4. sus kayo naman eh noon pa kilala na lahat ang kayabangan at kahilig sa mga lalake ni kris kaya ngayon kung umasta kala mo sino ganyan kasi siya noon at hanggan ngaun masamang empluwensya siya sa mga kababaihan at wag ng kampihan kaya tuloy lumalala ang tupak sa ulo tupak sa ulo taas tupak sa ulo baba..huh

  5. swarding, hindi ko gusto si kris dahil sobrang arte pero in fairness sa kanya, wala akong makitang masama sa sinabi niya sa The Buzz. Un nga lang, hindi naman natin alam kung anong mga nangyari before the show started.

  6. bakit ba masyado nilang tinututukan ang pagkanta sa ating national anthem? Eh bakit ba dito sa u.s. kahit anong anong gusto nilang tono sa pagkanta eh wala naman silang problema.

  7. Sori ha peru nayayabangan din ako kay Willie Revillame. I hate it kapag namamahiya siya ng mga c0-hosts niya.

    There was one time tinanong niya ang audience kung papalitan niya na ba yung mga female hosts, sumagot yung audience “wag daw”…

    Sabi ni Willie, naawa sa inyo sabay tawa ng nakakaloko, anung feeling nya sa mga co-hosts laruan niya? haaaaay

  8. Oo nga love na rin kita Tita Swarding kasi tama ang sinasabi mo. Marami lang talagang talangka si Pinas. Merong nasa press na gustong mag quit si Kris. Palagay ko hindi naaambunan.

  9. hayan medyo OK ulet ang sinulat mo kay KRissy so love ulet kita..kk ganyan ka wag gaya kay RONNIE na d lang pinansin ni krissy sumama na ang loob ahahaha.love you tita swarding

  10. di ba friend na kayo ni willie, ba’t tinitira mo naman sya? hindi ka na naman siguro naambunan ng grasya swarding kaya nagpuputak ka na naman ngayon.

  11. korek ka dyan tita swarding ….oo nga naman bakit nga mag quit si kris wala aman masama sa sinabi nya kay ruffa…aminin mo ruffa ibang level ang saya dito… wala aman masama dun sa sinabi nya eh… arte aman ni ruffa…

Leave a Reply

Your email address will not be published.