Mommy Dionesia, takot magaya kay Selina Sevilla!

OLACHIKKA………….MARAMI ANG namangha sa isiniwalat ng Mompac ng bansa na si Mommy Dionesia, ang butihing nanay ni Manny Pacquiao nu’ng nakaraang linggo na nagkakahalaga ang kanyang alahas na sinuot ng P600,000. Bongacious talaga, dib a? At walang kiyeme kung sumagot si Mommy Dionesia,walang halong showbiz kung sumagot ito,  hindi kagaya ng iba diyan na pa-etchos pa. Ha! Ha! Ha!

True naman talaga dahil ‘yan ang buhay ng showbiz. Nguni’t kakaiba ang ina ng Pambangsang Kamao kaya sa sinabi niyang ‘yun na sobrang mahal ang mga alahas na binibigay ng anak sa kanya, ayun tumawag raw si Manny kay Mommy Dionesia at pinagsabihan itong ‘wag nang magpa-interview kahit kanino. At  kung may mag-interview raw sa ina nito ay dapat na malaman niya muna at may pahintulot mula kay Manny. Kalerke nga naman talaga! Dahil sa sobrang pagmamamahal ng Pambansang Kamao sa kanyang ina ay binigyan niya ito ng bodyguard. Anytime nga naman ay pwedeng ma-kidnap ang ina at ipatubos sa kanya. Kalerke nga naman!

Pero marami ang natutuwa at halos every minute ay nakikita na ng lahat ang mukha ni Mommy Dionesia. Hindi lang si Manny ang popular kundi mas hinigitan ito ng ina. Marami na rin ang comercial na ginagawa nito at sunud- sunod na. Nakakaloka ,ha, dahil hindi lang commercial ang gagawin niya, may pelikula pa at take note mga kafatid, binigyan pa ito ng isang show sa  telebisyon na tiyak na aabangan ng lahat.

Hhmmm.. pero ito ang nakarating sa akin na tsika mula sa aking Parazzigirl,may balak raw magpaganda ang ina ni Manny  at magpaparetoke. Ano daw!? In fairness, kaya niya kahit magkano ang gagastusin. Kahit sa abroad pa ito magpaganda ay carry niya. Nguni’t natakot raw ang ina ng Pambansang Kamao nang makita sa telebisyon ang nangyari  sa isang sexy singer na si Selina Sevilla na umiiyak at galit na galit sa doctor na nagretoke sa kanya. Kaya, ayun, nabahag raw ang buntot ng ina ng Pambansang Kamao..Kalerke nga nmaman kaya hindi nalang daw ito magparetoke. Kaloka, ha!

MAHULAAN NYO KAYA kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo, naku mga kafatid? Maloka kayo dahil noon ay medyo sikat nga ang grupo ng mga kababaihan na ito dahil narin sa mga kontrobersiya na hinaharap ng manager nito at ng kanyang mga alagang palaban, palaban hindi lang sa kaseksihan kundi na rin sa mga kalalakihan. Nakakaloka nga naman di ba dahil ang manager nito ay front lang pala ng kanyang grupo na mga nagseseksihang babae. Ang trip pala ay kumita dahil sa pambubugaw. Yak! Bugaw nga raw ang manager ng grupo ng mga kababaihan na  ito at hindi basta-basta ang mga customer dahil mga pulitiko at may kapangyarihan sa gobyerno.

Ang nakakaloka lang ay magaling nga raw gumiling sa kama ang mga alaga nitong manager na ito kaya binabalik-balikan ng mga pulitiko at bussinessmen. ‘Yan daw ang totoo na ginagawa ng manager, ang ibugaw ang kanyang mga alaga. Naku, ha, mga seksi ito kaya nagugustuhan ng kanilang customer dahil nakikiliti  kaya binabalikan. Ha! Ha! Ha! Hindi na kailangan ng clue dahil given na ito. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

9 thoughts on “Mommy Dionesia, takot magaya kay Selina Sevilla!

  1. yea,baywalk bodies for sure dahil kanta nila yung ano diba,ano nga ba yun hmmmmm “kiliti” ?

    hehehehehee

  2. Olachika, payag b kay0ng “kafatid” tau ni swarding? Kalerke ha. Si di0nisia and kafatid mu swarding. Para kay0ng kambal sa uma.

  3. Can’t this woman just go away?! This woman’s extremely annoying, freaky-looking, and crass. She’s as fascinating as a circus monkey. Please, anyone, please give her a movie contract now, make her do her obligatory 1-2 movies, so she can get her share of 15 minutes and disappear forever.

  4. hindi na niya dapat ipangalandakan kung magkano ang suot niyang alahas. baka maputulan siya ng daliri.

Leave a Reply

Your email address will not be published.