Mommy Dionesia, pinagtsi-tsismisan ng mga parlorista sa Gen San!

NANG MAPASYAL KAMI sa General Santos City, naka-tsikahan namin ang iba’t ibang salon owners sa nasabing lugar. Naging sentro ng usapan ng mga beauty expert si Mommy Dionesia Pacquiao. Super bonggacious ang mansion na ipinagawa ni Manny Pacquiao para sa kanyang ina. Almost everyday raw ito kung magpa-parlor. Nagpapa-home service pa si Mommy Dionesia kung may special occasion itong dadaluhan. Hindi siya lumalabas ng bahay na hindi fully make-up with alalay at bodyguard on the side. Siyempre naman, maging nanay ka ba naman ng World Greatest Boxer, ‘di ba ?

Akala mo tuloy palaging may shooting or premiere night na dadaluhan si Mommy Dionesia. Kailangan daw maging maganda siya sa paningin ng kanyang mga fans at sa publiko. Feeling celebrity na talaga ang drama ng nanay ni Pacman.

Feel na feel niyang pinagkakaguluhan siya ng mga tao, center of attraction. Pakiramdam ni Mommy Dionesia ay nasa stairway to heaven habang naglalakad.

Doña Dionesia na nga raw ngayon ang tawag kay Mommy Dionesia ng kanyang mga amiga dahil sa magandang kapalaran napasakamay niya. Pero hindi ito ikinatutuwa ng mga beauty expert sa Gen San. Kung kailan nagkasalapi si Mommy Dionesia, saka pa raw naging makunat pa sa inuyat. Kahit singkong duling pakunsuwelo man lang ay hindi ka maabutan. Kung puwede nga raw TY (thank you) ay gagawin nito.

Kahit sinasabi ng mga bading, share your blessing Mommy, parang walang narinig si Doña Dionesia. Tatawa lang ito at aalis na. Katuwiran raw nito, pasalamat pa raw ang mga make-up artist at hair stylist sa kanya dahil nagkaroon sila ng chance na maayusan siya. Dapat pa nga raw magpasalamat sila, mommy ng Boxing Superstar ang sini-serbisan nila. Utang na loob pa palang maituturing ang maging customer mo ang isang Mommy Dionesia Pacquiao! Ganu’n?

EMPRESS SCHUCK AND Jennica Garcia is now the new faces of Sketches by Natasha Beauty. Young, pretty, talented and full of life, the two young women truly embody the sketches brand. Empress was the star ng teleseryeng Rosalka with Felix Roco at Matt Evans. Naging matapang ang nasabing teleserye sa pag-tackle ng isyu on unwanted pregnancy at unwanted children. Right now, inihahanda na ang susunod niyang teleserye na pang-primetime. Puro mabibigat na artista ang makakasama ng young actress kaya excited na siyang masimulan ito.

Na-discover si Empress ng ABS-CBN when she was just 8 years old. Hindi natin malilimutan ang mahusay niyang pagganap sa sitcom na Bida Si Mister, Bida Si Misis at ang movie niyang Nine Mornings.

Jennica, on the other hand, has showbiz in her blood being the daughter of Jean Garcia and Jigo Garcia. Nag-start ang showbiz career ng dalaga sa GMA-7 sa teleseryeng Impostora, at ang first movie niya ay ang Hide and Seek. At present, she is regularly seen in Kapuso network sa Jejemom at Bantatay.

Parang magkapatid kung magturingan ang mag-inang Jean at Jennica. Walang inililihim ang dalaga sa kanyang Mommy lalo’t kung puso ang pag-uusapan. “Super close kami ni Mommy, magkasundo kami sa lahat ng bagay. Kapag may problema ang isa sa amin, seryoso kaming nag-uusap para hindi patagalin ang problema. Pagdating sa pakikipag-boyfriend, hindi nakikialam si Mommy. Kung saan ako maligaya, happy na rin siya,” say ni Jennica.

Inamin ni Jennica na mas binibigyan niya ng priority ang kanyang career kaysa sa pakikipag-boyfriend. Hindi lang malinaw kung may dyowa na siya. Ang importante, masaya’t maligaya siya ngayon kapag kasama niya ang mga mahal niya sa buhay. Sige na nga…

AYAW Paawat!

by Eddie Littlefield

Previous articlePinoy Parazzi Vol. III Issue # 187: November 8-10, 2010
Next articleKaren Davila, walang lulugaran sa Singko

No posts to display