Mommy Dionesia Pacquiao, agaw-eksena sa laban ni Pacman!

OLA CHIKKA! NOONG Linggo ay nasaksihan ng mundo ang muling pagkapanalo ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao (Pacman) laban sa Mexican boxer na si Antonio Margarito para sa WBC Super Welterweight champion title na ginanap sa Cowboys Stadium sa Dallas, Texas. Matapos ang 12 rounds ay nagwagi si Pacman via unanimous decision.

Isang karangalan ang muling inihatid sa atin ng Pambansang Kamao, ngunit sa kabila ng kanyang pagkapanalo ay kaakibat pa rin ang mga intrigang kahit anong mangyari ay lalabas at lalabas pa rin. Tulad na lamang ng pang-aagaw-eksena nitong si Mommy Dionesia Pacquiao sa laban ng kanyang anak sa mismong stadium.

Dahil kung matatandaan ay itong si Mommy Dionesia ay nagkukulong lamang sa kanyang lungga, sabihin nating sa bahay nila sa Gensan, sa tuwing may laban ang kanyang anak, dahil hindi niya maatim makita ang bawat suntok na tumatama kay Pacman.

Pero noong Linggo ay present na present siya upang suportahan ang anak. Pero nawindang ako nang marinig ang chikkang sa kalagitnaan ng laban ay nahimatay siya.

Tamah! Daig pa niya ang kanyang anak na imbes si Pacman ang nahimatay ay siya. Sa kalagitnaan ng excitement ay nahimatay itong si Mommy Dionesia, ngunit hindi ‘yun ang climax ng kuwento kundi ang pagdedma ng mga nakapaligid sa kanya. Dedma lang ang mga tao maging ang kanyang mga bodyguards ay wakeber as in walang pakialam nang mawalan siya ng malay. Ewan ko kung totoong nawalan siya ng malay dahil matapos lamang ang ilang sandali ay muli siyang bumangon. Hindi kaya nainip siya sa kahihintay kung may magtatayo sa kanya at mukhang nabigo, kaya tumayo na lang mag-isa? Ha-ha-ha!

Bilang ina, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay na makitang nasasaktan ang kanyang anak sa kabila ng ilang laban ng pinagdaanan ni Pacman, ngunit ang pagkakaiba lamang ng panonood ni Mommy Dionesia ay may konting twist at excitement dahil may nalalaman pa siyang pagkahimatay effect! Pak!

NOONG NAKARAANG LINGGO lamang ay naisulat ko na ang tungkol dito sa pagpasok ni Megastar Sharon Cuneta sa pulitika at may posibilidad na maging mayor ng Pasay City, dahil sa pag-endorse ng isang kaibigan. Nang sabihin sa akin ng matalik kong kaibigan na si Brother Arman Cuban na may kakayahang makita ang hinaharap, hindi na ako nagduda dahil ilang beses na rin siyang nagsabi ng kanyang nakita at nagkatotoo.

At ngayon ay nakikita rin niyang hindi magtatagal itong bagong host ng Willing Willie na si Shalani Soledad na hindi aabot ang pagho-host dahil sa negative feedbacks ng mga viewers tulad na lamang ng napa-kawalang gana niyang pagho-host. Isa pa niyang nararamdaman ay itong pagkawala rin ng Pilipinas Win Na Win at ang programa ni Edu Manzano na Asar Talo Lahat Panalo.

Hmmm… maaaring hintayin na lamang natin ang paglipas ng panahon upang mapatunayan ang nakikita niya. Para sa inyong mga katanungan, pagpapahula at paggagamot, maaari n’yo siyang tawagan sa 09196016198.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong guwapong aktor na may bago nang babae sa kanyang buhay matapos makipaghiwalay sa matagal-tagal rin niyang jowang matanda sa kanya?

Ang chikka kasi, nakita ng ating parazzi girl na madalas daw mag-date itong si guwapong aktor at ang kanyang bagong babe na si sexy star.

Tamah! Parehas silang celebrity kaya imposibleng hindi n’yo sila makilala. Wala namang masama kung mag-date ang dalawa dahil parehas silang single. Ang kakaiba lang, kahit ni minsan ay hindi man lang sasagi sa isip nating sila ay magsasama. Bad boy image si guwapong aktor, habang si sexy actress ay pa-controversial mode naman ngayon.

Naku! Gets na gets na iyan pero kung hindi n’yo pa rin mahulaan ay pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 a.m. – 12 nn upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 – 3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

14 thoughts on “Mommy Dionesia Pacquiao, agaw-eksena sa laban ni Pacman!

  1. mas maputi yung mukha kesa sa leeg..lol ndi man lang nilagyan ng pulbo ung leeg para pantay man lang…hahahaha!!!

    natawa naman ako..tumayo agad after mahimatay…parang ” ay teka joke lang na nahimatay ako…ay wala palang nakatingin..” LOLOL

  2. Siguro nag-au-audition siya para kay Madir Tsikwah sa Shake Rattle and Roll 7, di pa hule para makamit ni Aling Dioneknek ang MMFF Best Actress tropweeh. Chaka diva? chuk chak!

  3. NO BA YAN SINO BA MAKE UP ARTIST NI DIONISIA??? EH MUKHANG MINUDMOD NG HUSTO SA ISPASOL ANG MUKHA, SANA MAN LNG PATI LEEG PINULBUSAN,,,KALOKA!!!!!

    CONGRATS ALING DIO SA ANAK MONG MAGALING SA BOXING!!! WOOOT WOOT!!!!

    • O sige na, I will admit. Ako ang make up artist nia. Pasensya na po kayo kasi naubusan kasi ako ng foundation kaya yun gawgaw na gagawin ko sanang almirol ginamit ko kay Aling Die O Nesia — Yan ang turo sa akin ng sarili kong nanay na taga bukid– Kaya nga Espasol Queen 2001 ang hinirang sa akin– frowd na frowd ako.

  4. Santisima trinidad! Ang mga bunganga ng mga utaw dito…kakawindang!…kahit clorox hindi kakayaning paputiin mga ngala-ngala!…syolbog!

  5. Buwakang ina mo dionisia! OA ka pag may camera.. kahit bihisan ka ng ginto, basahan ka pa rin.. walang breeding, halatang ngayon lang nakatikim ng ginhawa sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.