Mommy Dionesia mas malaki ang bayad kaysa kay Manny?

OLA CHIKA! SA wakas ay napanood na ng sambayanan ang kauna-unahang TV commercial ng butihing ina ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na si Mommy Dionesia. Marami na nga ang nakapila na proyekto para sa ina nito. Meron naring naka-line up na pelikula at tila sunud-sunod na makikita sa telebisyon ang ina nito.

Marami nga ang nagkukumpara sa mag-ina ngayon. Ilang taon na rin ang ginugol ni Manny Pacquiao sa industriya ng showbiz. Nakapagprodyus na siya ng pelikula na inilaban sa Metro Manila Film festival ngunit sa kasawiang-palad ay hindi ito humakot ng awards at nilangaw pa ito sa takilya. Nakakaloka ha? Sa tagal na niya sa industriya hindi pa rin ganu’n kagaling ang acting ng isang Manny Pacquiao. Ikinumpara po si Manny sa ina niya na mahilig talaga mag-showbiz at maraming natutuwa sa kanya lalo na sa commercial niya ng isang brand ng alak . Mukha raw tangera talaga ang ina nito.Ha! Ha! Ha!. Kalerke nga naman.Pero ang nakakaloka ay mas mataas pa raw ang talent fee ni Mommy Dionisia kaysa kay Manny. Pumayag naman daw ang anak na mataas ang TF ng ina kaysa sakanya dahil mas kilala naman daw siya sa buong mundo. Bukod sa may sarili nang pera ang ina niya galing sa pinagpaguran sa commercial ay may sarili pa itong bahay, at take note, may car pa siya. Bongacious di ba?  Marami talaga ang naloloka kay Mommy Dionisia.

MULING INAMIN NI Ara Mina na may hidwaan silang magkapatid na si Cristine Reyes.

Marami ang mga nag labasang isyu tungkol sa bunsong kapatid nito kaya nag-alsa balutan at lumipat sa dati nitong network. Hindi raw ito ma-take ni  Arakaya todo rescue siya kay Cristine.

Ngunit ang nakakaloka ay palaki nang palaki ang isyu sa kanila. Kaya raw pala nagbukod si Cristine ng bahay ay dahil ayaw raw niyang may nakiki alam sa buhay niya at ‘yun daw ay ang ate niyang si Ara.Kalerke, ha.

Muling inamin ni Ara na hindi siya insecure sa kapatid dahil ito ang hinirang na FHM Sexiest Pinay. Tinalbugan nga ni Cristine ang ilang mga nagseseksihang mga dilag. Isa raw ito sa dahilan kung kaya hindi sumipot si Ara sa FHM party. Dagdag pa ng aking parazzigirl,kaya raw nagbukod si Cristine ng bahay upang makadalaw raw ang lahat ng manliligaw niya at wala nang haharang. Kaloka,
ha! Naku, ano kaya ang masasabi ni Cristine sa isyung ito.Nakakawindang ka, Cristine!

Gusto ko lang pasalamatan ang nag-entertain kay Reynan diyan sa Barangay hall ng Bagong Nayon, Cogeo,  Antipolo City na si madam Marichi Victairia.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

8 thoughts on “Mommy Dionesia mas malaki ang bayad kaysa kay Manny?

  1. people, you are so mean!

    kailangan ba talagang tirahin ng below the belt ang mga writers dito? ayaw nyo pala sa kanila bakit bumabalik balik kayo dito sa site ?

  2. That only shows that cristine has an attitude at kung hindi siya magbabago ay madali siyang lulubog. In fairness magaling rin naman siyang artista.

Leave a Reply

Your email address will not be published.