Mommy Dionesia, inisnab ang fan na nagpapa-picture?!

HINDI MAIKAKAILANG TALAGANG sikat na sikat na si Mommy Dionesia Pacquiao. Kahit saan kasing bahagi ng bansa ay kilalang-kilala siya.

May nagtsika sa amin na sa isang concert daw ni Mommy Dionesia with Imelda Papin sa isang lugar outside of Metro Manila, pinagkaguluhan ang madir ni Manny Pacquiao. Siyempre, after the show, may mga nagpa-autograph at may nagpa-picture sa mother ni Pacman.

May isang madir din daw na gustong magpa-picture at magpapirma ng autograph kay Mommy D. Ang kaso, naisnab daw ang beauty niya, as in hindi raw siya pinansin ng madir ng Pambansang Kamao.

Ang siste kasi, tinawag niyang nanay si Mommy D. Ayun, inisnab daw ang kanyang beauty. Ha! Ha! Ha!

Ang alam namin, ang gusto ng mother dear ni Pacman ay tawagin siyang Mommy D.

True ba itetch, Mommy D?

TIYAK NA PAG-UUSAPAN ang love scene nina Jao Mapa at Mon Confiado na gumanap na gay lovers sa isang indie film.

Sa launching ng bagong magazine na STIR, sinabi ni Ma. Isabel Lopez na bahagi siya ng indie film na iyon kung saan tiyak na may maiinit na love scene sina Jao at Mon. Sa pagkakaalam namin, ito ang first daring role ng dalawa, although sa isang pictorial ay naging super daring na rin naman ang dyowa ni Ynez Veneracion.

Anyway, successful ang launching ng nasabing magazine. May sing-along contest pa sila na sinalihan ng mga invited movie press. Ang mga nag-judge ay sina Ma. Isabel Lopez at Cory Quirino. Naroon din ang beauty queen na si Abby Cruz.

Kay Maryo Labad na siyang editor ng nasabing magazine, our congratulations.

HINDI MAN TALAGANG inaamin ay obvious namang may bagong dyowa si Ai-Ai delas Alas na foreigner.

Inamin ng komedyante na twice na niyang dinalaw ang kanyang suitor kuno sa Greece. Dapat ay one week nga ang kanyang bakasyon kaya lang ay biglang pumasok ang Pilipinas Got Talent kaya no choice siya kundi ang bumalik kaagad after three days mula sa Athens, Greece. Isa pa, may Valentine show siya, ang Ai Am Your Valentine sa February 14, The Tent City, Manila Hotel. Guests niya sina Janno Gibbs, Rufa Mae Quinto, Mark Bautista and Pilita Coralles.

Ayaw i-descibe ni Ai-Ai ang kanyang bagong dyowa.

‘Wag na wag na nating siyang i-describe,” say ng comedienne.

“Guwapo ba siya?

“Siyempre, pumapatol ba ako sa pangit? Handball player siya.”

Sabi ng comedienne, hindi pa n’ya dyowa ang guy. “Hindi pa naman love, papunta pa lang doon.”

Mahirap ayon kay Ai-Ai, ang isang long distance love affair.

“Mahirap ang long distance love affair. Ngayon ko lang nalaman. Kaya pala ‘yung iba nalulungkot. Mabuti na lang may Skype. Ang Skype, bongga, 24 hours.”

Aprub sa kanyang mga anak ang pagkakaroon niya ng bagong dyowa.

“Okay lang naman sa kanila. Ayaw nila akong nalulungkot. Kung saan ako masaya, masaya na rin sila.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

6 thoughts on “Mommy Dionesia, inisnab ang fan na nagpapa-picture?!

  1. gusto lang nilang magpakuha ng litrato ni aling diunisia dahil rat infected ang kanilang bahay at yun lang ang mabisang pamuksa hindi dahil sa sikat siya, lol!

Leave a Reply

Your email address will not be published.