Mommy Dionesia, humihirit ulit ng pelikula kay Direk Wenn Deramas! – Eddie Littlefield

HINDI NA NAMIN ikinagulat na dalawang taon na palang divorced sina Robin Padilla at Liezel Sycangco. Nanahimik lang ang actor sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa batas ng Muslim (Sharia), hindi raw puwedeng pag-usapan ang pribadong buhay tungkol sa pagsasama ng mag-asawa kahit hiwalay na sila. Nangako naman ang action star na bibigyang-linaw niya ang ilang issue tungkol sa kanilang mag-asawa sa takdang panahon.

October 2008, nang magpakasal si Liezel sa bago niyang asawa at ngayon ay naninirahan sa Australia na kinumpirma mismo ni Robin. Naging maayos naman ang kanilang pag-uusap, twenty years din silang nagsama at may apat na anak.

Usap-usapan ngayon na si Iza Calzado raw diumano ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Robin at Liezel. Pinagselosan daw si Iza nang matindi ng asawa ni Binoe nu’ng time na ginagawa nila ang Joaquin Burdado sa GMA-7. Palibhasa naging malapit sa isa’t isa bilang magkaibigan kaya binibigyang-kulay ang kanilang friendship.

Nagulat na lang si Iza nang malaman niyang siya raw ang itinuturong dahilan ng split-up nina Robin at Liezel. Knowing Iza, hindi siya ang tipo ng babaeng papatol sa taken na.

“Wala akong alam tungkol d’yan, shocked naman ako! Ngayon ko lang nalaman ang bagay na ‘yan. It’s not true, naging close lang kami ni Robin nu’ng time na may ginagawa kaming teleserye sa GMA. We’re friends, walang malisya ‘yung friendship namin ni Robin, close din ako sa mga anak niyang babae. Para lang kaming magbabarkada. ‘Pag lulumalabas kami kasama si Daddy dahil close siya kay Robin,” paliwanag ng magandang actress.

Hindi ba nila napag-usapan ni Binoe ang tungkol sa kanila ni Liezel? “It’s a private matter, hindi ako nagtatanong tungkol sa personal life ni Robin. Wala siyang binabanggit sa akin tungkol sa kanila ni Liezel. Hindi naman kasi siya masalita lalo na’t tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa family niya. At saka, that time may boyfriend ako, alam ninyo ‘yan at kilala ni Robin so, bakit napasok ang pangalan ko d’yan sa issue. Please lang, huwag naman akong intrigahin dahil wala akong kinalaman sa mga bagay na ‘yan,” pakiusap ni Iza.

Sa totoo lang, very much in love ngayon si Iza sa non-showbiz boyfriend na si King. Maligaya sa takbo ng kanyang career as an actress and product endorser. Oo nga naman.

FEELING SIKAT NA nga si Mommy Dionesia Pacquiao. Ibandera ba naman niya na kaya kumita ang pelikulang pinagsamahan nila nina Joseph Estrada at Ai-Ai delas Alas na Ang Tanging Pamilya ay dahil sa kanyang mga fans. Marami ang nairita sa naging pahayag ni Mommy D. Celebrity na nga raw ang drama ni Mommy D, kinausap niya si Direk Wenn Deramas kung puwedeng bigyan siya ng pelikula.

“Gusto ni Aling Dionesia, ipagpatuloy ang kanyang pag-aartista. Na mi-miss raw niya ‘yung nagsu-shooting siya, may make-up artist sa set na nagmi-make-up sa kanya at ‘yung pagharap niya sa camera. Gawa raw kami ng pelikula. Sabi ko, wala pong problema ‘yun basta kayo ang producer,” natatawang sabi ni Direk Wenn.

Sa isang okasyon nga, buong pagmamalaki raw na ipinakita ni Mommy D ang suot nitong alahas na worth 6 million na bigay sa kanya ni Pacman. Lahat nga raw ng mga gamit niya ay pulos signature na binili pa niya sa US. Lahat nga raw ng magustuhan niya binibili ng Pambansang Kamao. Buong pagyayabang na ipinakikita pa ni Aling Dionisia ang mga materyal na bagay na mayroon siya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

13 thoughts on “Mommy Dionesia, humihirit ulit ng pelikula kay Direk Wenn Deramas! – Eddie Littlefield

  1. feeling naman ni dionesia na isa sya sa main cast ng pelikula, na sya ngdala,kng ala nga cna ai ai, sam at tony dun eh malamang nilalangaw sa cnehan ung pelikula nya, kapal kapal ng mukha nang matanda na un…

  2. Bilib ako sa “Tanging Pamilya”. Dahil naging Box-Office movie sila despite na malakas ang katapat nila. Ung mga hindi nakakaintindi ng english ang mga nanood sa kanila at ung nakakaintindi ng english sa New Moon naman.

    Makikita sa may ticketbooth kung blockbuster ang movie kaya nabigla ako ng makita ko blockbuster ang Tanging Pamilya sa SM. Atleast kahit papaano kaya pa din natin mga filipino makipagsabayan sa foreign movie.

    Successful ang 1. New Moon 2. Tanging Pamilya 3. 2010 eto ay ayon sa pagkasunod ng kita nila.

  3. Napaka tackless naman ni Mommy Dionisia. Naghihirap
    na nga ang bayan dahil sa sunod sunod na bagyo
    ipinapakita pa niya ang mga alahas niya at tuwang
    tuwa siya dahil feeling niya idol siya nang bayan. Nasaan
    ang sensitivity niya? Nakakahiya na idisplay pa nya ang
    6 million pesos na necklace sa gitna nang kagutuman
    na nagpapahirap sa milyon milyong familia, e yung
    6 million pesos na iyon kung iaabuloy, ilang milyong
    familia ang mabibigyan nang sapat na pagkain, gamot
    at tirahan, sa halip na nakasuot sa kanyang leeg na
    para bang sinasabi na’ sige magutom kayo, ako
    nagpapasasa sa sarap nang pera’ nakakahiya! Samantalang ang mga tunay na mayayaman at edukado
    hindi dumidisplay nang kayamanan, dahil me delikadesa.
    Salamat.

    • hindi nman galing sa nakaw ang ipinagmamalaki nia. nde sa pagiging insensitive at pgkampi kundi dahil galing sa hirap, masaya lang xa na nkakatikim ng mga karangyaan sa panahon na to.. and the age my dear.. un tipong dapat ng pagpasensyahan.. masaya lang xa. and hayaan na. hindi mo pd na obligahin na ibigay sa mahihirap ang ipinambili ng alahas dahil pinaghirapan din nila un. hindi un galing sa nakaw. hindi nga tunay na mayaman dba? so anong ikinagagalit mo?

    • tama dapat intindihin mo nlng sya…sobrang hirap ng dinanas nila b4 bago nila nransan ang tintmasa nila ngayon..hindi nmn cguro pinagya2bang…wala sa knya yon alam mo ung prang sanay na syana walang tintago.

  4. I think Mommy Dionisia should not boast all her material
    wealth such as the 6 million pesos necklace, it is an
    insult to millions of filipino families who are staving and
    could not even afford to eat three times a day. After the
    successive devastating typhoons that caused misery and
    property losses to hundreds of thousands of filipinos who
    are still depending from charitable organizations from
    food and medicines and shelter, it will be unwise for
    anyone to publicly proclaim her wealth. Mommy Dionisia
    should learn not to be tackless in the midst of ongoing
    poverty and financial difficulties affecting every sector
    except the very rich like her. And to consider herself
    as a ‘celebrity’ idolized by many only shows how insensitive she is. And to display her wealth makes it
    worse.

    • tUMIGIL NGA KAYO SA MGA SINASABI NYONG MARAMING PILIPINO ANG HINDI KUMAKAIN NG TATLONG BESES ISANG ARAW. wag nyong gamitin ang kahirapan sa buhay yang mga sinasabi nyong maraming mahihirap sa pilipinas dahil luma na yang ginagamit ni erap sa kanyang kampanya. paanong mahihirap yang sinasabi nyo MAGPUNTA KA SA MGA SQUATERS MAY SARILING MGA TV, REFRIGERATOR ELECTRIC FAN AT KUNG ANO ANONG APPLIANCES. minsan nga yung mga kalapati house style na naka hang sa mga flyover pag nakita mo sa loob may mga sarili ring tv at ref.

      maniniwala pa ako kung sinasabing mga tamad ang mga karamihan.

      • nakakainis lang pag nanonood ako ng tfc na panay ang daing ng mga mahihirap na wala silang makain pero tingnan mo ang kanilang mga anak saksakan ng dami. tapos sisihin nila ang govt kung bakit wala silang makain. hindi ako nangmamata ng tao pero sila rin ang may kasalanan kung bakit sila naghihirap.

  5. haha! masisira lang ang makeup artist sa kanya. bagay sa kanya ay pinakamagaling na plastic surgeon dahil siguradong sisikat ang surgeon na ito pag siya ay napaganda, di ba inang dionisia? yakang-yaka ni manny na magbayad kahit magkano.

Leave a Reply

Your email address will not be published.