Mommy Dionesia, gustong kalbuhin ni Imelda Papin?! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! HINDI ko na nagustuhan ang paglobo ng ulo ng sikat na TV host-actress ngayon. Lalo na’t sangkaterba ang proyektong dumarating sa kanya. Sino ba naman ang mag-aakalang ganu’n-ganu’n nalang kung magbago ang ugali nito. Hindi na nga kagaya ng dati na animo’y aso na buntot ng buntot sa lola n’yo.

Dahil hindi ko makalilimutan, hindi pa sikat itong si actress-TV host na ito, at isa pa lang baguhan sa industriya tila mangmang na walang kaalam-alam. Sa bagay, ganu’n ang buhay ‘pag natuto na, kanya na ‘yun kung maalala ka pa niya o hindi. Dahil noon, bago pa lang si actress-TV host na ito sa showbiz, halos araw-araw tumatawag ang nanay nito sa akin kahit ako ay naka-on board sa aking programa sa radyo, kahit sa aking show noon sa telebisyon. Hihirit ang madir ni actress-TV host na kung p’wede ay isingit ko ang anak niya kung may show ako out of town, or kung p’wede i-guest ko ang anak niya sa program ko. Siyempre ang lola n’yo naman, okey lang. Kasi ang importante sa akin ay ‘yung makatulong din.

Inferness naman kay actress-TV host na ito, masipag at pursigido talaga. Kaya kahit ano ay gagawin niya para magkapangalan lang at makilala, at siyempre maging successful, ‘di ba? Ngunit nang mabigyan ng break na maging host din ng pangtanghaling programa, tila unti-unti na itong nakalimot kung sino rin ang tumulong sa kanya. Hanggang sa palipat-lipat na lang ng istasyon itong si actress-TV host. Hindi naman siya binigo ng tadhana, binigyan siya ng napakalaking break. Nagkapelikula, naging recording artist at happy ako at tuluy-tuloy ang blessings sa kanya.

Ang nakakaloka, pati rin pala ang ilang tumulong din kay sikat na TV host-actress na ito noon, hindi lang ako, nakalimutan na niya, huh! Lumaki nang masyado ang ulo ni actress-TV host. Mabait ito ‘pag may kamera at kaharap ang ilang mga reporter. Tila gusto kung tusukin ng karayum ang ulo nito upang pumutok. Ha-ha-ha!

Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganito si actress TV host. Naku, ha? Ang clue kay actress-TV host, nakasama ko pa sa pangtanghaling programa ang kapatid rin nitong TV host din sa isang game. ‘Yun na!
TILA GUSTONG KALBUHIN at sampalin ni Imelda Papin ang ina ng Pambansang Kamao na si Mommy Dionesia.

‘Yan ang nakarating na chikka sa akin ng aking parazzi girl, dahil hindi lang daw pala si Kris Aquino ang taklesa. Mas may taklesa pa pala kay Kris, walang iba kundi si Mommy D o mas kilalang Mommy Dionesia.

Kung magsalita nga raw ang ina ni Manny Pacquiao, tila hindi na niya iniisip kung nakasasakit raw ito ng tao o hindi. Ha-ha-ha! Kaloka, ha?! Nagbitiw raw ng pahayag ang nanay ni Pacman na idol na idol niya ang Jukebox Queen na si Imelda Papin, pero hindi raw niya alam kung buhay pa ang magaling na singer. Hesusmaryosep!

Talagang hindi updated sa kung anong balita ang ina ng Pambansang Kamao. Dagdag pa, dahil nu’ng bata pa raw si Mommy Dionesia, parati na raw niyang pinakikinggan ang mga magagandang awitin ng magaling na singer. Kaya ayun, tawanan nang tawanan ang lahat. Si Mommy Dionesia ay 60 years old na, samantalang si Imelda ay hindi pa umaabot sa edad na ‘yun. Parang pinalalabas umano ni Mommy Dionesia na 80 years old na si Imelda Papin. Ha-ha-ha! Dahil ‘yun ang parati niyang pinapakinggan noong bata pa siya.

Kaya nawindang ang kampo ng magaling na singer at tila hindi nila nagustuhan ang mga pahayag ng ina ng Pambansang Kamao, lalo na sa nabitawan daw nitong ‘kung buhay pa si Imelda Papin.’

Kaya ngayong nasa States ang ina ng Pambansang Kamao.kung magkikita raw ang dalawa, baka kalbuhin daw nito ang komedyanteng aktres. Ha-ha-ha!. O, laban kayo, aktres na ang ina ni Manny Pacquiao. Ha-ha-ha! Naku, huh! Naloka akong bigla. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

9 thoughts on “Mommy Dionesia, gustong kalbuhin ni Imelda Papin?! – Tita Swarding

  1. malay ba ni aling dioning e di naman sya updated. sige nga when was the last time you heard about imelda papin?

    kaaliw lang talaga si aling pacman, when she brags di nakakainis kasi para lang syang bata na nanghihili (nagyayabang) sa mga kalaro. parang inocente pa rin, she doesnt know what shes saying nor does she understand what shes doing. so la lang. diba nga nun birthday nya niyabang na nya yung mga gifts nya tus di pa nya masabi ng tama yung presyo ng dior yata na shades nya 12thousand hundred milyon daw. anuba yun :) tus she attempted pa mentally calculating the exchange rate sa peso from dollars. o diba, ang saya, ang lola nyo mayamang yuying (topak).

    while si anabel rama conscious sya sa mga ginagawa nya at niyayabang, everything is a careful and calculated tactic. kaya naman di kinatutuwaan.

    just a thought, pede palang tawagin ni aling dionesia na PG si annabel…ahihihi. bakit ba? me bilyones ba sya ;)

    • kung taklesa man si aling dionisia ay hindi naman kataka-taka yun. Mas nakaiinis si kris dahil may pinagaralan siya kumpara kay pakmom.

Leave a Reply

Your email address will not be published.