Mommy Dionesia, deadma sa namatay na staff ng movie niya – Tita Swarding

HINDI NA NGA maawat ang ina ng Pambansang Kamao sa pagka-primadonna umano nito. Lalo na at halos parati natin itong napapanood sa telebisyon at lalo na rin ang kanyang komersyal na minu-minuto ay pinalalabas,huh!

Nag-iinarte na nga raw itong si Nanay Dionesia at masyodo na raw itong primadonna,huh! Kahit saan raw ito magpunta ay sangkaterba ang kasama nito at take note, halos dala-dala raw nito ang buong bahay. May taga-bitbit ng damit,sapatosat may sarili pang alalay bukod pa sa bodyguard. Susmaryosep! Bida na nakakawindang! Ang nakakaloka ay ang pag-iinarte nito. Ni hindi raw ito nakitang nakiramay sa isa sa mga staff ng Star Cinema na namatay sa paglubog ng Super Ferry 9. Kung hindi raw dahil sa pag-iinarte niya at hindi niya pinapapunta ang buong staff at mga artista gaya nina Erap at Ai-Ai, sana hindi raw nangyari ang pagkasawi ng isang staff nila. Hanggang ngayon daw ay wala raw itong pakikiramay. Kalerke, ha! Nag-iinarte raw ito na hindi siya luluwas hanggang hindi pa tapos ang laban ng anak dahil ito raw ang panata. Ano raw? Nalerke ako bigla. Abangan na lang kung gaano ito ka-true! ‘Yun na!

NAKASAMA NGA ANG inyong lingkod sa bagong pelikulang gagawin ni Vic Soto para sa Metro Manila Film Festival. Hindi lang itong pelikula na ‘to kami nagkasama ni Vic dahil noong nakaraang taon, sa Metro Manila Film Festival rin ay nagkasama na rin kami. Kaya happy ang beauty ko ngayon.Ha! Ha! Ha! At mismong si Direk Tony Reyes pa ang tumawag sa beauty ng lola niyo upang isama sa pelikulang ito na may pamagat na Ang Nobya Kong Aswang. Hmmm…. At bonga ang papel ko at hindi asawang, ‘noh! Basta, abangan n’yo na lang at saka ko na sasabihin ‘pag tapos na ang shooting. Bongga, ‘di ba? Pero ang balita ko ay makakasama ni Bossing Vic ang kapatid ni Ara Mina na si Cristine Reyes. Naku, Pia Guanio, ano ang say mo? ‘Yun na!

Read Tita Swarding’s Blind Item: Yaman ng pulitiko, ipinangalan sa sikat na aktres

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

11 thoughts on “Mommy Dionesia, deadma sa namatay na staff ng movie niya – Tita Swarding

  1. Kalerke, bkit di k nlang mag belo swarding at dumalaw sa burol? For sure di mapapansin na peke ang dumalo dahil hawig kayo ni di0nisia!

  2. Sikat pa ba itong si Dionesia? Malapit na maubos ang 15 minutes of fame niya. Kailangang matauhan itong matandang ito na ang kasikatan niya ngayon ay reflected glory lang dahil kinatututuwaan ang kanyang anak. Personally, I don’t find her antics amusing–nasasagwaan nga ako, dahil she’s the poster child ng mga taong biglang-yaman at di alam kung ano ang gagawin sa kanilang pera. At yung pagdadasal at pagbitbit niya ng mga estatuwa–pwede ba? Taking KSP to the max! Talo pa si GMA.

  3. naku totoo ba yang balita na yan? or baka naman wala lang maibalita ang isang to.

    tingnan nyo si swarding at si mami d, magkahawig o. di kaya sila ang magnanay.. ha ha ha ha

    ano ba kung ayaw lumuwas nyan sa manila. may prob ba? di naman sya yung atat na sumama sa pelikula. aba gustong kunin serbisyo nya eh di sila ang lumuwas ng gen san. sila magpagod.

    kung di man nakiramay aba malay ba naman natin baka naipagdasal na nya yun. sus kayo talaga inggit kay mami d.

    kaya kayo mag anak din kayo ng isang pacman ha para wag na kayo mainggit kay mami d.

  4. Mommy Dionisia is very blessed to have Manny Pacquiao as her son. She should remember to keep humble always even though she’s really famous now.

    Zooey Pinoy Bold Star

  5. Swarding, FLOP ung movie ni Vic Sotto na “LOL” kaya tama lang na pang MMFF na lang sya mag-join kasi dun kikita sya depende kung tatapatan sya ng Star Cinema.

    Pero kung panonoodin mo ang movie nya, wala din quality kaya indi kumita. Sana makahanap si Bossing ng magandang script. Magaling pa naman sya.

    • matuwa nlng tau at may mga produ. pa na gaya ni vic
      na nagtityagang mag produce ng movie…trabaho din yan
      ng mga pinoy na katulad ntin…kya
      imbes na batuhin ng FLOP Flop na yan..magpsalamat nlng at nka2tulong cla sa movie industry ntin na naghi2ngalo na.

Leave a Reply

Your email address will not be published.