Mommy Dionesia, ayaw lumabas ng dressing room

OLACHIKKA………..! KAHIT SAAN-saang tabloid at TV shows ay halos makikita natin at pinag-uusapan sa lahat ng talk show ang Mompac  ng bayan na si Mommy Dionesia. Siguro ay kapanahunan niya ngayon.Ha! Ha!Ha!  Kaya in na in ang beauty ni Mommy Dionesia. Nguni’t ang nakakaloka ay hinigpitan ngayon na ma-interview ang ina ni Manny dahil na nga rin siguro sa banat ng boksingero na dapat ay malalaman niya at dadaan sa kanya kung sino ang mag-i-interview sa kanyang  ina. Kalerke, ha!  Ang hindi lang ma-take mismo na rin ng mga kasamahan sa hanap-buhay ay kabagu-bago lang ni Mommy Dionesia sa industriya ng showbiz ay may attitude problem na ito. Ano raw?!  Korek at ‘yan ang napapansin ng karamihan sa ina ni Manny. Sabi nga ng ilan, like mother like son. Kaloka!

Kung matatandaan n’yo noon na sinabi ni Manny  na babalik siya sa Dos,nguni’t hindi ito tumuloy kahit nagbitaw na ito ng pahayag. At ganu’n din ang ina nito dahil ang unang pahayag ni Mommy Dionesia ay idol na idol  niya ay ang komedyanteng si Joey de Leon. Marami raw siyang koleksyon sa magaling na actor-TV host at nagpahayag nga raw ito na magge-guest sa Eat Bulaga. Nagulat na lang ang lahat nang bumulaga ito sa Wowowee at sunud- sunod pa ang pag-guest nito. Sa isang interview sa kanya ay si Piolo Pascual at Jericho Rosales ang kanyang idol. Kaloka at hindi na niya idol si Joey. Ha! Ha! Ha! Kalerke nga naman. At dagdag pang tsika,  hindi na nga raw lumalabas sa dressing room si Mommy Dionesia dahil alam daw niya na pagkakaguluhan siya ng mga fans niya. Ha! Ha! Ha! Ang haba ng hair ni Mommy Dionesia. Parang gusto kung kulutin. Ha! Ha! Ha! Kakaiba ka talaga, Mompac. ‘Yun na!

MAHULAAN N’YO KAYA kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo? Maloloka kayo dahil halos araw-araw nating napapanood ang baguhang aktor na ito at kaibigan ko pa ang manager nito. Na-interview ko sa aking programa sa DZRH ang guwapong baguhang aktor na ito noong kasagsagan na gumagawa ito ng pangalan sa showbiz at ngayon ay medyo kilala na rin siya sa industriya. Ang nakakaloka ay nakita ko mismo sa site ng internet na kitang-kita ang buong kaluluwa ng aktor. Yes, trulili, mga kafatid at kitang-kita ang laki ng nota ng aktor na ito na nagpapakita ng kanya ari. At hindi niya pwedeng idenay ito dahil ang kanyang manager mismo ay nawindang at nakiusap sa akin na ‘wag na itong ilabas nang tawagan ko ito. Kinuha niya ang site at ‘yun, nakita nga niya. Mula sa disenyo ng kuwarto pati mga dekorasyon ay parehas na parehas at hindi niya dapat na sabihing na-edit ito dahil walang pinag-iba ang mga larawan. Kaloka! Guwapo ang aktor na  ito at may halong banyaga ang dugo,pero magaling mag-Tagalog. Ha! Ha! Ha! Kung gaano siya kaguwapo at katangkad ay ganu’n din kalaki ang nota niya. Hmmmmm. Clue? Mapapanood ito sa panghapong palabas. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

7 thoughts on “Mommy Dionesia, ayaw lumabas ng dressing room

Leave a Reply

Your email address will not be published.