Mommy Dionesia, agaw eksena sa Pacquiao-Bradley fight

Mommy-DionisiaMASAYA ANG buong bansa sa pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa laban nila ni Timothy Bradley kahapon!

Dito napatunayan na bumalik na talaga ang lakas ni Pacman at pamamayagpag ng kanyang boxing career.

Kaya matagal pa siguro ‘yan magre-retire dahil marami pa talaga siyang gustong patunayan.

At least wagi rin ang Kapuso Network dahil sa pagkapanalo ni Pacman.

Pero ang isa sa pinag-uusapan sa laban na ‘yun ni Pacman ay si Mommy Dionesia na talagang nakaw-eksena du’n sa Las Vegas.

Nu’ng una kung anu-ano ang sinasabi niya kay Bradley, pero nang manalo na ang anak niya, talagang umakyat siya ng ring at yumakap pa siya kay Bradley.

Kapansin-pansin din ang pakikipagtsikahan niya kay Bradley, ha! Bongga talaga si Mommy D, ha!

Kaya balik na rin ang showbiz career ni Mommy Dionesia!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Mommy Dionesia, agaw eksena sa Pacquiao-Bradley fight

Leave a Reply

Your email address will not be published.