Mommy Carol doesn’t want to spend time with Ryan

AFTER A WEEK ng controversial wedding nina Judy Ann at Ryan Agoncillo, nag-sink na sa butihing ina ng aktres na si Mommy Carol na nag-asawa na talaga ang kanyang bunsong anak.

Although, hindi pa raw niya nararamdaman ang sobrang lungkot na mag-isa sa ibinigay na bahay sa kanya ni Judy Ann  sa Susana Heights, dahil nand’yan pa ang tatlo niyang kapatid na nagbabakasyon dito ngayon sa Pilipinas. Kaya bisi-bisihan pa raw siya sa pag-aasikaso sa kanila at pagpapasyal sa mga kamag-anak nila.

Hindi naman masabi ni Mommy Carol kung paano niya paghahandaan ang mag-isa kapag umalis na ang kanyang mga kapatid. Hindi raw naman kasi talaga napaghahandaan ‘yon. So, maybe she’ll have to face it na lang.

Tinanong din namin si Mommy Carol kung hindi ba niya kinunsider na sumama na lang kina Judai at Ryan na tumira sa bagong bahay nila sa south.

“No, no way. Ayoko. Alam mo kahit ano’ng bait ng manugang, ako hindi ko kilala, ako sa sarili ko, kilala ko. Hindi ako p’wedeng magpa-ano, magpa-daig, ‘di ba? Pero s’yempre ang manugang mo, siya ang mag-a-adjust sa ‘yo. Ayoko naman ng ganu’n, habang-buhay siyang mag-a-adjust sa akin. ‘Tsaka mahirap ‘yun, kasi ‘yung ‘pag magkasama kayo, palaging may friction ‘yan,e.

“Tandaan mo, hindi p’wedeng magsama ang biyenan at manugang. Mahirap, kasi nga may friction na mangyayari kahit na ano’ng sabihin na bait mo, may Santo Kristo ka sa dibdib, magka-clash kayo. Baka mamaya makita mo na parang nagkatampuhan na hindi mo naman alam, makikialam ka. S’yempre doon ka sa anak mo, ‘di ba? E, ‘yun na ang umpisa noon,” pahayag ni Mommy Carol.

NAGING SENTRO NG tuksuhan sa wedding reception nina Judai at Ryan ang natsistsimis ngayon na mag-dyowang si Candy Pangilinan at ang direktor ng morning show na Ruffa and Ai sa ABS-CBN na si Direk GB San Pedro. Hindi pa raw sila mag-syota ayon kay Candy. Kumbaga, exclusively dating pa lang ang drama nina Candy at Direk GB.

Si Direk GB nga pala ang director ng nalalapit na 25th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club on May 28 sa Ateneo de Manila University at ipalalabas on May 31 sa ABS-CBN.

And speaking of Ruffa and Ai, bongga ang live episode ng top-rating show nina Ruffa Gutioerrez at Ai Ai delas Alas, ha?!  Fiesta ang ambience ng set with banderitas and all. Sa opening ay ang cast ng Bud Brothers na sina Jana, Manuel, Ahron, Guji, Joem and Will ang bumulaga na naka-fiesta sagala costume with arko over them.

Pagkatapos, nag-share sila ng personal experiences nila sa pagsali sa sagala. Gayundin ang guests sa Ruffa and Ai sa second gap na si Lara Quigaman at Desiree del Valle na hindi lang nagkuwento sa pagsali nila sa sagala, may picture pang ipinakita.

Lumabas naman on TV for the first time ang preggy na at dating sexy star na si Joyce Jimenez together with the second time Mom and actress na si Dawn Zulueta sa Ruffa and Ai last Tuesday. At ngayong Miyerlkules, itsitsika naman ng controversial councilor ng Caloocan na si Marjorie Barretto ang bonding nila ng daughter niyang teenager na ngayon na si Julia Barretto.

Nakaaaliw talaga ang Ruffa and Ai. Iba-iba ang ginagawa nilang kuwento at gimik bawat episode. Kaya naman sila na ang paboritong show ng bayan tuwing umaga.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

3 thoughts on “Mommy Carol doesn’t want to spend time with Ryan

  1. Korek ka dyan hindi nakakasawang panoorin. hindi katulad ng sa kabila araw2x palaging ganun…At infarness ha c Ruffa first time ko syang nakitang sumasayaw ng bongang bongaga…….. ang cute ng dance step nila. Kaya every Morning talaga buhay na buhay ang umaga dahil sa kanilang dalawa ni Ai Ai……

Leave a Reply

Your email address will not be published.