Mommy Carina, pasok sa Estafa
Bea Binene, absuwelto sa kaso ni Atty. Ferdinand Topacio

NAGLABAS NA pala ng resolusyon ang Pasig City Prosecutor’s Office kaugnay ng kasong Estafa na isinampa ni Atty. Ferdinand Topacio laban sa mag-inang Carina at Bea Binene.

Ayon sa nasabing resolusyon na natanggap ng Topacio Law Office noong September 13, 2013, “it is recommended that Carina L. Binene be indicted for Estafa under Art. 315(2)(a) of the Revised Penal Code, and that the attached information be filed with the Regional Trial Court of Pasig City. Bail is set at Php40,000.00.”

Samantala, absuwelto naman ang anak nitong young actress na si Bea. Ayon pa sa resolution, “Only Carina is criminally liable because Beanca Marie, being a 14-year old minor on or before August 2012, has n criminal liability.”

Nag-ugat ang kaso sa diumano ‘panloloko’ ng mag-inang Binene kay Atty. Topacio nang alukin ng mag-ina ang abogado na maging sponsor ng recording album ni Bea na ‘Hey, It’s Me, Bea!’. Bilang sponsor, bumili si Atty. Topacio ng 1,000 kopya ng album CD sa halagang P180,000.00 kapalit ng paglalagay ng pangalan ng abogado sa album jacket at pagbanggit sa lahat ng marketing at promotional shows bilang sponsor.

Naisyuhan ni Atty. Topacio ng nasabing halaga ng tseke ang mag-ina pero 200 kopya lang ng CD ang natanggap umano ng abogado. Pitong buwan pa ang lumipas bago naibigay kay Atty. Topacio ang natitirang CD, matapos na magpadala ng demand letter ang abogado. Pero ipinasauli na ito ni Atty. Topacio. At sa kabila ng pag-iisyu ng mag-inang Bea at Carina ng manager’s check na nagkakahalaga ng P144,000.00 katumbas ng natitirang 800 CDs, itinuloy pa rin ni Atty. Topacio ang pagsasampa ng kasong Estafa.

Noong September 19 (Huwebes), naisilbi ang arrest warrant laban kay Carina na agad din namang nakapagpiyansa. Sabi ni Atty. Topacio, naging mabait pa rin siya mag-ina sa kabila ng mga nangyari.

“Kahit pa’no naging kaibigan ko rin naman si Bea. Kung masama akong tao, ipapalalabas ko ang arrest warrant sa araw ng Biyernes, alas-singko ng hapon, para wala nang opisina para makapagpiyansa si Carina. Hahayaan kong makulong muna ng dalawang araw (Sabado at Linggo). Pero kasi, hindi ko rin matiis na ‘di maawa,” ani Atty. Topacio.

Pero gaano katotoo ang nasabi sa amin na nang isilbi umano ang arrest warrant sa ina ni Bea, naihi raw ito sa salawal sa sobrang takot?

 

BLIND ITEM: Sino itong sikat na aktor at aktres na laging nakikitang naglalaplapan kahit maraming tao ang nakakIkita sa kanilang dalawa? Dahil parehong inlab na inlab daw ang dalawa kaya keber sila sa kanilang ginagawa at dedma to the highest level.

Minsan daw sa isang pictorial, magkasama ang dalawa at sa isang corner ay roon sila naglalaplapan na para bang akala mo nasa loob sila ng isang hotel. Sinusundan pa raw nitong si Actor si Actress sa loob ng dressing room nito. Ano kaya ang ginagawa nila roon?

Kaya naman daw nahuhumaling itong si Actor kay Actress ay napakaganda ng kutis, nito maliban pa sa siya ay pretty at sexy. Siguro ROSY PEEL Natural Skin Supplement ang gamit ni Flawless na Actress. Dahil ang ROSY PEEL ay may all-natural at essential nutrients ng young green strawberry, guava, kamias at bignay na nagpapaputi ng kutis, na nagtatanggal ng dark spots at pumipigil ng premature aging at skin dryness para maging soft, rosy at healthy ang skin mo. No wonder nagiging maaliwalas, mamula-mula at napakaganda ng iyong face at kutis, na daily ini-intake ng mga artista ngayon.

Clue: Si Actress ay very kontrobersyal dahil nakaaway niya mismo ang kanyang kapatid na isa ring aktres. Another bonggang clue: Ang initials ng kanyang name at apelyido kapag pinagsama mo ay parang isang lugar na madalas nating puntahan. Si Aktor naman, ang inisyal ng kanyang name ay isang importanteng tao sa lipunan. ‘Yun na! I’m sure gets na gets n’yo na. Mismo, sila nga!

Bonggacious kung ROSY PEEL natural skin supplement  ang gamit ni Beautiful Skin Flawless Actress. Kasi sa ROSY PEEL, garantisadong kaputiang namumula-mula hindi namumutla! Rosy Peel ang secret weapon ng mga artista. Mabibili sa lahat ng Mercury Drug outlets nationwide.

 Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

5 thoughts on “Mommy Carina, pasok sa Estafa
Bea Binene, absuwelto sa kaso ni Atty. Ferdinand Topacio

  1. nag-issue daw ng P144,000 na check tapos itinuloy pa rin ang kaso? bakit? tumalbog ba yun? kung hindi, ibinalik na nga e nagkaso pa rin? sobra naman yan. porke’t abogado ganun-ganun na lang? at tutulong na nga lang sa sponsorship dahil kaibigan daw siya ni Bea, may kapalit naman! ibang klase. hindi kaibigan ang ganyan. gamitan lang!

Leave a Reply

Your email address will not be published.