Modus sa Baclaran

0935147xxxx – Idol, isusumbong ko lang po sa inyo ang talamak at lantarang modus ng pandurukot sa may Baclaran. Ang mga salarin ay mga kabataan na edad 11 hanggang 16. Ang kanilang modus ay ganito: lalapitan ng isang bata ang biktima na kabababa lang ng bus na Ayala – Makati at nagkukunwa-ring namamalimos. May hawak itong T-shirt sa dalawang kamay. Susundan at sisiksikin ang biktima hanggang sa madukot ang wallet o cellphone na nasa bulsa nito. Nakikita ko po itong pangyayaring ito tuwing Martes at Biyernes sa pagitan ng 6:00-8:00 pm. Sana po ay magkaroon ng aksyon ang ating kapulisan dito dahil marami na ang nabibiktima ng ganitong modus.

 

0922286xxxx – Idol, isa po akong company driver at isusumbong ko lang ang pulis na nakamotor na may plate number na 6604 N-RUSI dito sa may Ta-guig Service Road dahil nangongotong. Nanghuhuli po siya ng mga motorista at nanghihingi ng pera para makaalis na rin kaaagad ang kanyang nahuli. Hinuli niya po ako, tiniketan at pinapirma, noong hinihingi ko na po ang kopya ng ticket ko ay wala siyang ibinigay, maglagay na lang daw po ako para walang problema. Sana po ay makastigo ninyo ang mga pulis na kagaya nito. Maraming salamat po.

 

0915310xxxx – Isa po akong concerned citizen na nagtatrabaho rito sa may Multinational Village sa Parañaque. Sana po ay makalampag ninyo ang mga kinauukulan dito dahil sa mabahong amoy na nagmumula sa may C-5 Road Extension. Sana po ay maaksyunan ito dahil masyadong masangsang ang amoy at nakakasakit ng tiyan. Salamat po.

 

0915401xxxx – Idol, isusumbong ko po ang matinding pangongotong dito sa Pritil Market. Na-ngongotong na po ay naniniket pa sila. Sana po ay mabigyang pansin ninyo ito para magising ang mga kinauukulan. More power po sa inyong programa. Salamat po.

 

0927835xxxx – Sir Raffy, nais ko lang pong i-report sa inyo ang isang enforcer na pulis dito sa Lacson Street corner Dapitan Street sa Maynila. Nanghuhuli po ng motorista pero ang tagahuli niya ay iyong sibilyan niyang striker.

 

0933366xxxx – Isusumbong ko lang po ang LTO dito sa may Tayuman dahil lantaran ang pamemera ng mga empleyado sa mga aplikante. Doon po sa magda-drive test ay talagang pasusukahin ka ng pera para lang makapasa ka.

 

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41. Sa Cignal Cable ang Aksyon TV ay mapapanood sa Channel 1, Channel 7 sa Destiny at Channel 59 naman sa Sky Cable.

Para sa inyong mga sumbong maaari kayong magsadya sa aming public service action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City o kaya ay mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO. 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.