Modus Operandi

BIGYANG-DAAN NAMAN NATIN ngayon ang ipinadalang sumbong sa ITIMBRE MO KAY TULFO ng ilang kababayan natin. Magsilbi sana itong babala sa lahat at para makapag-ingat na rin.

Magandang araw po!

Ititimbre ko lang po ang tungkol sa isang opisina sa may Ortigas. Ang pangalan ay OPTIMA FUTURANCE CONSULTANTS, INC. Ang modus po nila ay papaniwalain ang mga aplikante na matatanggap sa trabaho bilang office staff.

After initial interview, papabalikin kinabukasan ang aplikante para sa orientation na may dalang P350 na sabi ay payable after contract signing. Kinabukasan, paghihiwa-hiwala-yin ang mga aplikante sa iba’t ibang kuwarto. Pagsa-sabihan ang mga aplikante na nasa bawat kuwarto na mas qualified sila kaysa sa ibang aplikante na nasa ibang mga kuwarto, at sasabihing meron nang posisyon sa opisina para sa kanila.

Pagbabayarin ng P350 ang bawat isa kahit wala pang contract. Pagkatapos, pagsasamahin na ang lahat sa isang kuwarto at sasabihang may trabaho na sila, pero dadaan daw muna sila sa orientation at evaluation.

Sa orientation, pagsasabihan ang mga aplikante na may isang SOP na dapat nilang sundin bago tuluyang matanggap sa kompanya. Magbebenta muna raw sila ng insurance. Ang sasabihing halaga ng insurance na ipapabenta ay mahal. Kapag nag-usisa ang mga aplikante ng mas murang halaga, iinsultuhin at pagsasabihan na hindi paninda sa supermarket ang ibinebenta nilang insurance.

Sana po ay bigyan ninyo ng pansin ang panawagang ito para matigil na ang kanilang scam. Maaari n’yo silang ma-search sa internet.

MAKAILANG BESES TINANGKANG tawagan ng inyong SHOOTING RANGE ang isang nagngangalang Edwin Las Piñas na nakalista bilang contact person sa isang advertisement ng Optima Futurance Insurance Consultants Inc. sa internet. Ngunit palaging naka-off ang cellphone ni Las Piñas na may numerong 0999-4482666.

Makailang beses din kaming nagpadala ng text message sa nasabing numero ngunit wala kaming natatanggap na reply.

Sir,

Nais ko pong isumbong ang POWER CAST MARKETING na isang events organizer. Nag-invest po ako at ang boyfriend ng anak ko ng malaking halaga nu’ng December 2010 para sa Wish List Bazaar na ginanap sa A-Venue Hall sa Makati Avenue.

Naging matagumpay naman po ang bazaar. Ang problema ko ay itinakas na ang aking investment at wala akong nakuha ni isang kusing. Napakasakit po sa loob ko ang maloko nang ganito na lang.

Nais ko pong maipatigil ang ganitong gawain nila dahil marami pa silang events line-up at marami pa silang posibleng maloko. Isa pa, ang ginagamit nilang pangalan na Power Cast Marketing ay hindi nakarehistro sa DTI. Huli na nang malaman kong wala sa listahan ng DTI ang business name nila. Sa kasalukuyan ay may post ang alleged owner nitong si EDZ GAFFUD sa wall ng facebook account niya na naghahanap ng mga consignor sa event niya sa Quezon City Circle. Sariwa pa po ang ginawa niyang panloloko, ito na naman at naghahanap siya ng panibagong mga bibiktimahin. Ito po ang kanyang cellphone 0915-5902783.

Gumagalang,

Bing Balais

ILANG BESES TINANGKANG tawagan ng inyong SHOOTING RANGE ang cellphone ni Gaffud ngunit ‘di niya ito sinasagot. Hindi rin siya nagpadala ng reply sa ipinadala naming text message sa kanya.

Mamayang gabi abangan ang WANTED sa TV5 pagkatapos ng Aksyon Journalismo.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

3 thoughts on “Modus Operandi

  1. Ia ako sa naloko nyang si edison gaffud at may mga kilala pa ako mga naloko nyan. magaling mag paikot ang taong yan at hanggang ngayon patuloy pa din sa panloloko. sana matigil na yung ganito kawawa naman yung mga nakukuhanan nya ng pera. kung muling mabubukasan ulit ang issue na ito isa ako sa tetestigo laban sa kanya pati yung isang kilala ko. madami racket ito na dapat matigil na.

  2. humihingi po ako ng tulong. kami po ay biktima ng isang lending agency. me ahenteng pumunta sa amin para po mag alok ng pagpa utang. naenganyo po kami ng aking asawa na umutang. 30 thousand po ang inutang namin, pinag issue po ako ng checke kada isang linggo ng 2,635 at isa pang checke na 500 kada linggo para daw po sa savings namin? pinapirma po kami ng mga papeles pagkatapos po ay me binayaran kami ng docs stamp na halagang 1,275.00 at pagkatapos po ay pinagbayad kami ng insurance na halagang 3,422.00 kaya ang halaga ng perang nakuha namin ay 25,303 na lang po. tulungan nyo po kami sa panlilinlang na ito. hirap po kaming mag hulog ng pera. pahirap po ang nangyari sa amin? tulungan nyo po kami.

Leave a Reply

Your email address will not be published.