Modus ng mga Iskwater, Iimbestigahan ng Malacañang

PINASISIYASAT NA ng Palasyo kay DILG Sec. Mar Roxas ang naglalabasang modus operandi sa mga informal settler na nakatakdang ilikas.

Maaalala na lumabas sa ulat na may grupo nang lumalapit sa mga nakatira sa squatter’s area sa North Fairview at inaalok ang mga ito na mapasama sa priority list kapalit ang P35,000.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dapat mapaimbestigahan at matigil ang ganitong uri ng pananamantala sa mga squatter.

Sinabi ni Valte na mga ahensya ng pamahalaan gaya ng DSWD at DILG ang magpapasya kung aling lugar ang unang ililikas.

Samantala, prayoridad daw ang mga nasa critical waterways na karaniwang nasa peligro kung nagkakabaha.

“We will ask Sec. Roxas and the DILG to look into this. Mga ahensiya po ang nagpapasya kung aling lugar ang unang ililikas base sa dalawang batayan: kung sila ay nakatira sa mga critical waterways, at kung may itatayong proyekto sa lugar nila para sa flood mitigation,” ani Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.