Mock Election, Isasagawa ng Comelec

SUSUBUKAN NG Comission on Elections (Comelec) ang mga pasi-lidad at bagong estilo ng eleksyon sa gaganaping mock elections bilang paghahanda sa May 13 midterm elections.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Ji-menez na dalawang lugar ang kanilang napili sa Metro Manila, habang 10 areas naman sa mga probinsya.

Bagama’t kasali umano ang Smartmatic sa proseso, Comelec pa rin naman ang mangangasiwa rito.

Gagawin ito sa UP Diliman at Camp Crame, Quezon City.

Sinasabing gagawin namang alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi ang proseso sa Metro Manila habang alas-7:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali lang sa mga lalawigan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.